a birthday wish…… “I REFUSE TO DIE!! I’M 53 NOW AND I WANT TO STILL BE HERE WHEN I’M 63,” -KRIS AQUINO

a birthday wish…… “I REFUSE TO DIE!! I’M 53 NOW AND I WANT TO STILL BE HERE WHEN I’M 63,” -KRIS AQUINO

May be an image of ‎1 person and ‎text that says '‎Showbiz PAMORE 2اد BY: ROMMEL PLACENTE email add: rommelplacente530@yahoo.com‎'‎‎
May be an image of 1 person, slow loris, hospital and text
May be an image of 1 person, eyeglasses, hospital and text

NAGPA-INTERVIEW via Zoom si Kris Aquino sa kanyang matalik na kaibigan na si Boy Abunda sa show nitong Fast Talk With Boy Abunda noong Miyerkoles. At dito, ay ipinaalam niya sa publiko na malala na ang kalagayan niya, at anumang oras ay maaari na siyang mawala sa mundo. Kasalukuyang nasa Orange County, California, si Kris. Ang muling pagharap ni Kris sa kamera ay kasabay ng pagdiriwang ng kanyang 53rd birthday noong nakaraang Valentine’s Day.Ayon kay Kris, marami siyang tagahanga at mga kaibigang patuloy na nagdarasal para sa kanya kaya nais nitong siya mismo ang magsabi ng kasalukuyan niyang kondisyon. Pagbabahagi niya tungkol sa kanyang kasalukuyang kondisyon, “Unfortunately, meron akong panglima na autoimmune condition. I have a very low hemoglobin. I have fluctuating blood pressure. Nagsisimula na yung pamamaga ng tuhod ko at mga buto-butong naglalabasan. Right now, their classifying it as an autoimmune mixed connective tissue disease. Falling under that Boy, is either SLE or lupus or it could be rheumatoid arthritis. Yung nasa Huston ako noong hindi pa gumagaling yung COVID, I had a fourth diagnosis. Mayroon akong crest syndrome. Nakakatakot ‘yon kasi ang inaatake naman non, e, yung ating lungs.”

Ang mga kondisyon daw ito ay labis na nakakaapekto sa kanyang puso. Magang-maga na raw ang muscles sa labas pati na sa middle layer ng kanyang puso. Ito raw ang dahilan kaya madali siyang mahilo at mapagod kahit kaunting kilos lang ang gawin niya. Delikado raw ito dahil dahil pwede siyang ma-stroke any time. Ilang miyembro raw ng kanyang pamilya sa father side ay nagkaroon ng heart attack, kabilang ang kanyang yumaong ama na si Senator Ninoy Aquino at kapatid na si former President Noynoy Aquino. Ibig sabihin, may kinalaman sa genes ni Kris sa kondisyon niyang ito.Tanong ni Boy kay Kris, “Bakit nga ba ang hirap gumaling ni Kris Aquino?” Sagot ni Kris, “Pinakamabilis na sagot, tatlong pages yung laman ng binibigay sa mga doctor na ‘eto yung bawal na mga gamot kay Kris.’ Lahat ng gamot, halos lahat ng antibiotics, allergic ako. Lahat yan, may side effects sa akin. Mabibilang lang siguro sa sampung daliri yung kung ilang lang yung gamot na puwede kong i-take. Ultimo damo, grass, allergic ako, butil ng alikabok. Ang daming hindi puwedeng gamitin sa akin. Buhay ako ngayon. Alam ko, tiwala ako sa dasal, na kakayanin pa to. Napagdesisyunan daw ni Kris na ibahagi ito sa publiko dahil kailangan na kailangan niya ngayon ng dasal para mapagtagumpayan ang gagawin sa kanyang medical procedure sa Lunes, February 19.Ito raw ang huling tsansa ni Kris para madugtungan pa ang kanyang buhay.

Sabi niya, “Ngayon ako hihingi talaga. I’m sorry, pero parang ang kapal ng mukha ko na ang tagal niyo na akong pinagdarasal. But I really need it now. Because on Monday, papasok ako sa ospital at may susubukan kaming biological na gamot. This is my chance to save my heart. Because kung hindi ito tumalab, I stand a very strong chance of having cardiac arrest. As in… puwedeng tumigil na lang yung pagtibok ng puso. So, may gamot na susubukan, but there’s a very big risk involve with that medicine because hindi binibigay ang gamot na ito na hindi ka binibigyan muna ng steroids. On Monday, magbi-baby dose muna ako. Titingnan muna nila kung kakayanin ko. Kung kakayanin ko, bibigyan ako ng pangalawang dose… I will need four doses of this medication. Hindi predictable. I hate to say it, but you know, I’m very, very honest kasi hinarap ko na to, and bawat araw, pahiram na lang ito ng Diyos. So, whatever days are left, kung anuman ang natitira, it’s a blessing.”Aminado si Kris na hindi pa siya handang mamatay. Aniya, kailangan pa siya ng kanyang mga anak at nais pa niyang makita sila na tumatanda.

Saad niya, “I really want to stay alive. Sino ba naman ang sasabihin na handa akong mamatay? Bimb is only sixteen. I made a promise to him na until he becomes an adult, I will really do everything. Lahat gagawin ko. Kasi, hindi naman sikreto sa mga tao that ang kuya niya falls under the autism spectrum… Ako lang ang nagpalaki sa, dalawa. Kailangan pa nila ako. But after Monday, wala na akong immunity, puwede na akong dapuan ng kahit anong sakit at wala na akong panlaban dun.”Tila naghabilin na rin si Kris sa kanyang pamilya, mga kaibigan, tagahanga, at kay Boy, kung saka-sakaling hindi maging successful ang medical procedure na gagawin sa kanya. I just wanna take this opportunity, Boy, na magpasalamat sa yo because nangako ka sa akin, kagaya ng ilan sa pinakamalapit na kaibigan ko at yung mga kapatid kong babae, nangako sila na kung ano man ang mangyayari, mayroon akong dalawang kaibigan na lilipad dito para samahan yung two boys…” Nangako rin daw si Boy sa kanya na kung may mabalitaan man ito tungkol sa kanya ay kaagad itong lilipad sa Amerika. Sabi pa ni Kris kay Boy, “I’m entrusting Bimb with you.“I’m entrusting Bimb with you because the two will actually be going home in two weeks. Why did I decide on this? Naawa ako doon sa dalawang bata. Kasi ako, makukulong na ako sa bahay. Pupunta na lang ako at lalabas ako para makita yung mga doktor.”

Huling dasal daw ni Kris sa Diyos ay dugtungan pa ang kanyang buhay para muling makapagbigay saya at pag-asa sa kanyang fans. “I just wanna thank God. Gusto kong magpasalamat because people I do not know, people na have never met me, yung hindi ko mga kakilala. Pinagdarasal nila at sinasabi nila na ‘kailangan siyang gumaling… gusto pa namin siyang mapanood. I cannot promise you that, kasi ang dami nang hindi ko kayang gawin. Pero ito po pangako ko sa inyo, hindi ko kayo bibiguin dahil sumuko ako. Wala sa pananaw ko sa buhay na puwedeng sumuko, kailangan lumaban. Hindi ko ipapahiya ang sarili ko sa inyo.” Natatawa pang dejlara niya: “I refuse to die! Pipilitin kong mabuhay dahil my next chapter ko is to become a stage mother. I’m 53 now and I want to still be here when I’m 63.”

May be a graphic of 1 person and text that says 'Wally PERALTA ENTERTAINMENT EDITOR email add: peraltawally58@yahoo.com peraltawally'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *