crucial sa kanyang health condition ang susunod na anim na buwan… KRIS AQUINO, HUMIHINGI NANG DASAL

crucial sa kanyang health condition ang susunod na anim na buwan… KRIS AQUINO, HUMIHINGI NANG DASAL

May be a graphic of 1 person and text that says 'Archies MAX BY: ARCHIE LIAO Email add:artzy02@yahoo.com'
No description available.
No description available.

NAGBIGAY ng update si Kris Aquino kay Boy Abunda sa kanyang health condition nang maging panauhin ang una sa Fast Talk sa kauna-unahang pagkakataon. Aniya, hindi raw maganda ang resulta ng latest blood test niya. Kuwento pa niya, nakakaalarma raw na sobrang bumagsak ang kanyang hemoglobin. Kinumpirma rin ng dating presidential sister na mayroon na siyang panglimang autoimmune disease. Peligroso rin daw ang nasabing jaramdaman dahil ang inaatake naman nito ay ang kanyang baga. Katunayan, may mga nakita na raw sa X-ray na may mga sugat na rin siya sa kanyang right lung. Apektado na rin daw ang kanyang puso dahil magang-maga na raw ang mga muscles na nakapalibot sa kanyang puso.

Dahil din daw sa kanyang maselang kondisyon ay posible siyang ma-stroke anytime. Sa susunod na anim na buwan, magiging crucial daw ang kanyang kalusugan kaya naman siya ay humihingi ng dasal. “Ngayon ako hihiling talaga, I’m sorry na parang ang kapal ng mukha ko dahil ang tagal n’yo na akong ipinagdarasal but I really need that now because on Monday, papasok ako sa ospital at may susubukan kaming biological na gamot. This is my chance to save my heart,” ani Kris. “Because kung hindi ito tumalab, Boy, I stand a very strong chance of having cardiac arrest. As in pwedeng in my sleep or kung anuman ang ginagawa ko, pwedeng tumigil na lang ‘yung pagtibok ng puso,” dugtong niya. Tanggap din sa kalooban ni Kris na ang araw-araw niyang pamumuhay ngayon ay pahiram na lang daw ng Diyos. Gayunpaman, sa kabila ng dinaranas ay gusto pa rin daw niyang mabuhay para sa mga anak. “Binigyan ako ng bonus. So whatever days are left, kung anuman ang natitira, it’s a blessing but I really want to stay alive. I mean, sino ba naman ang sasabihin na ‘handa na akong mamatay’? I don’t think any of us can say that,” bulalas niya. “Because Bimb is only 16. I made a promise to him na until he becomes an adult, I will really do everything, lahat gagawin ko. Kasi hindi naman sikreto sa mga tao that ang kuya niya (Josh) falls under the auticism spectrum. Ako mismo, ako lang ang nagpalaki sa dalawa, kailangan pa nila ako.But on the flipside of that, after Monday, wala na akong immunity. Puwede na akong dapuan ng kahit anon’g sakit at wala akong panglaban doon,” pahabol niya.

Nagpasalamat din si Kris sa matalik na kaibigan at ibinilin dito ang kanyang mga anak na sina Bimby at Josh . “Nangako ka sa akin kagaya ng ilan sa pinakamalapit na kaibigan ko at ‘yung mga kapatid kong babae, nangako sila na kung anuman ang mangyari ay meron akong 2 kaibigan na lilipad dito para samahan ‘yung 2 boys,” ani Kris. “I’m entrusting Bimb with you because the two will actually be going home in 2 weeks,” dagdag pa niya. Marami naman ang naloka sa huling pahayag ni Kris na kahit may sakit na ay nakuha pang magbiro sa King of Talk.

Aniya, nabalitaan daw niya na pumirma ng kontrata ang multi-awarded host sa GMA-7 kaya naman naglambing ito na mag-share naman sa share sa kanyang medical bills. Natawa naman si Boy pero iginiit ni Kris, “don’t laugh. That’s your gift. I saw the contract signing kaya sa ‘yo na ‘ko mangungumisyon.” Sa huli, sinabi rin niya na hindi siya papayag na mamatay siya sa puntong iyon ng kanyang buhay. “I refuse to die. Talagang pipilitin ko because ang next chapter ko is to become a stage mother,” pagtatapos niya. Dagdag pa niya, wala raw sa bokabularyo niya ang pagsuko sa anumang laban sa buhay.

No description available.
No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *