on marrying Charlie Dizon… “HOPEFULLY SOON!”-CARLO AQUINO

on marrying Charlie Dizon… “HOPEFULLY SOON!”-CARLO AQUINO

May be an image of 3 people and text
No description available.
No description available.

ISINAMA ni Carlo Aquino ang kanyang girlfriend na si Charlie Dizon sa celebration ng Beautederm owner Rei Añicoche Tan ng Chinese New Year at anniversary ng kanyang beauty products business. Lampas sa isang taon na ang relasyong nina Carlo at Charlie. And so far, going strong pa rin daw ang relasyon nila amidst news ng hiwalayan among showbiz couples. “Oo nga, trending siya,” reak ni Carlo. Kaya natanong namin si Carlo kung paano nila napapanatili ni Charlie ang kanilang relasyon. “Priivacy is very important. Not everything should be publicized,” diin niya. Ever since naman hindi madaldal si Carlo pagdating sa loveliness niya. “Opo, para kasing, human nature na kapag maganda ang relasyon, sinisira nila. ‘Tsaka karamihan sa mga tao maraming sinasabi sa buhay ng ibang tao,” ngiti niya. Para ‘di sila maapektuhan ng ibang tao, hindi na lang daw nila iniintindi ang thoughts at pamba-bash ng ibang tao towards them ever since. Ang mga sinasabi lang daw ng mga taong nagmamahal sa kanila ang nagma-matter for them.

AYUDA PA MORE

“Pero minsan inaabutan ka pa rin eh. So, kailangan kalmahin mo ang sarili mo na, ‘Ay,sus! Ginawa lang naman ang account na ‘yan.’ ‘Ay, troll farm lang naman ‘yan.’ Pero, sorbang dami rin ng time, my God,” sabay tawa ni Carlo. Inamin naman sa amin ni Carlo na tanggap natangap siya ng family ni Charlie. At natanong din namin siya kung may plano na silang magpakasal ni Charlie. “Hopefully, soon,” pag-amin ni Carlo. “Kasi may edad na ako. May edad na rin si Charlie.” Kinumusta rin namin ang relationship ni Charlie sa anak ni Carlo. “Okey naman po. (Pero) Hindi pa sila nagkikita. Yeah, personal decision. Para lang ano, let’s not talk about that,” biglang was ni Carlo. Gusto raw ni Carlo na i-keep muna ang privacy ng kanyang three year old child. Proud naman sinabi ni Carlo na isa siyang responsableng ama. Nagpro-provide siya financially sa kanyang anak. “Pero syemrep minsan may mga late ako ng mga two days lang naman. Minsan kasi nasa ibang bansa ako. May trabaho ako, Ganoon po,” pagri-reveal ni Carlo. Nakunan na rin daw ni Carlo ng insurance ang kanyang anak. This year, baka raw makagawa ulit sila ng movie ni Charlie together. May inaalok daw kasi na movie sa kanila ngayon.

AYUDA PA MORE

ANOTHER usapang X ang napasadahan namin. But this naka-blind item ang subject. Pero ang dali-dali ring na-identify ng netizens. Sabi sa X, “Todo kayod ang nanay ng isang artista linisin kalat ng anak niya. Namataan na namimigay ng ayuda sa mga pambansang marites at huwag ka, iyong nanay talaga mismo nag-aabot ng mga ayuda.” Hula ng netizens ang tinawag ni Kris Aquino as Queen Mother na si Karla Estrafa amg tinutukoy dito at ang kanyang anak na si Daniel Padilla. “Knows ko ito ahahaha juskooooo si Mother!!!” “Si Mamshie Karla” “Si Karla yan hahahah” Nakakalokah ang netizens sa tawag nila kay Karla sa socmed, hah. “Sya ba si Barney… Aka Karla Estrada..” “Si barna?” “Dating Q mother ngayon tanod sa TV char” Pinuna rin ng netizens ang tsika ng pamimigay ng ayuda ng nanay ng isang artista sa mga pambansang marites “Desperate moves para palabasin na matino pa rin anak niya kahit huli ne telege eng lehet…” “Takot lumubog ng tuluyan Ang career ng anak… konsintidor din kasi Kung sana Ginabayan nya anak nya ng mabuti para di naligaw ng landas edi sana naging matino.. d sna sya maghihirap maglinis ng kalat..”

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *