MOVIES NINA ENRIQUE GIL AT LIZA SOBERANO, PAREHONG FLOPSINA?

MOVIES NINA ENRIQUE GIL AT LIZA SOBERANO, PAREHONG FLOPSINA?

May be an image of 1 person and text that says 'REVEAL EAL NA YAN!!! BY: GLENN REVILLA Email add: glenn.revilla@gmail.com'
No description available.
No description available.

SA pagbabalik, nina Liza Soberano via Liza Frankeinstein, Hollywood movie at ni Enrique Gil sa I Am Not A Big Bird movie na sa Thailand pa ang shooting, sa pelikula ay tila nilangaw ito sa mga sinehan. Di umano ito kinagat ng mga Pinoy at tila laos na ang dating magjowa kaya nagsara na lang ng kusa ang mga sinehan kaysa malugi ng todo-todo sa kanilang nilangaw na comeback movie.

Tsika na umabot lang sa 3 milyong piso ang kinita nito sa naturang mga sinehan. Nadismaya umano ang mga nakapanuod sa kanilang pagbabalik showbiz at di akalain ng mga faneys na kakalawangin ang kanilang akting. Sa tagal ba naman ng panahon nakaburo ang kanilang karir ay tila hamonado na sila sa pag arte. Kaya imbis na tumawa sa kanilang pagjokes ay tila naloka ang mga ito lalo na di naman umano pala big bird ang nakita kay Enrique.

Tila kakaiba naman ang trip nitong si Liza, aba kung kailan namatay ng ilang taon ang dating ABS CBN Star Magic na si AJ Perez ay nagparamdam daw ito aa kanya at nililigawan ang aktres sa kanyang panaginip. Kaya hayan nabuhay tuloy ang matagal ng patay sa Social Media. Walang epek naman ang pagkalotlot ng movie ni Enrique Gil dahil sa isa ito sa mga producer tuloy pa din ang paghataw nito ng mga pabangong endorsement na kanyang formula, kaya visible pa din ito nag-mall tour sa mga piling shopping malls. Kayang kaya niya magsolo kahit walang kalabtim. kung sabagay may natuwa naman sa kanilang mga pinalabas dahil sa komedi pero hindi sapat ang nakakatawa lang, parang stand up sa isang bar ang linyahan at batuhan ng mga bida dito.

Mas mag eenjoy pa yata ang mga nanuod kay Liza Soberano na ang atake ay pang Hollywood vibes. Sa mga gustong maistress at ma-hayblood sa ganitong mga palabas ay siguruduhin nyong magbaon ng gamot at mahabang pasensya dahil di swak ang ibabayad nyo sa mga sinehan. Nasa 300 to 500 ang mga tiket sa sinehan ngayon, kailangan ng pakialaman ng gobyerno at ibaba ang presyo dahil patay na ang industriya ng Pelikulang Pilipino. Kung pinakialaman nga ang presyo ng sibuyas at bigas, sana mapansin ng nasa pamunuan na karamihan sa mga nanunuod ay walang trabaho. Gusto lang kalimutan ang hirap ng buhay at libangin ang sarili pero walang magawa kundi hintayin nalang sa Netflix o ibang streaming apps dahil sa sobrang mahal ng tiket sa mga sinehan lalo na yung sa Imax na minsan ay aabot ng isang libo. Kaya bago mamatay ang industriyang ito makibaka ang buong movie industry at magkaisa na magkaroon ng regulasyon.

No description available.

TIKTOKERIST, INSTANT ENDORSER

HINDI na lang mga artista o model ang kinukuhang endorser sa panahong usong uso ang social media. Mas pinapaboran na ng mga kompanya ang mga sikat sa Tiktok na mas mabilis pa sa alas kwatro ang pagdami ng mga likers at followers. Kaya sa bagong gamot ng Bactidol itchy cough relief at Heavy Phlegm Relief ay naging instant endorser itong si Arhsie Larga, na isang certified pharmacist at tiktokerist na may 3.8 million followers sa buong mundo. Di lang naman sa magaling ito kundi may ari din ng drug store sa kanilang probinsya kaya umabot sa 121.8 million ang likes nito sa mga post sa tiktok at kaya nga naging content creator ito last year. Dahil sa madami ang nagkaroon ng ideya at impormasyon sa tamang pag gamit ng gamot lalo na yung mga may sakit na nag over the counter sa kanilang mga paboritong suking drugstore. Isa sa drug company na sikat sa paggamot pagdating sa oral hygiene, ang nakapansin kay Arshie Lagra,maliban kay Arshie ay isang doktor na super gwapo na at daming followers sa si Dr. Adriene Insigne ang naging kapwa endorser nito sa naturang gamot na cough syrup, kaya lalong naging hit sa mga kababayan natin ang bagong handog ng naturang kompanya.

No description available.

DIREK JOEL LAMANGAN, HUGOT PA MORE

SA ginanap na forum ng isang grupo na Free the Artist Movement ay todo todo ang paghugot ng emosyon ng batikang direktor na si Joel Lamangan, na mas kilala sa kanyang role na Madam Rhoda sa Batang Quiapo. Kung gaano ito katindi sa kanyang pag emote ay ganun din pala ito katalak sa pagdakdak ng mga isyung panlipunan, lalo na sa kapakanan ng movie industry. Kaya parang nasa hukuman ang mga nakasaksi sa kanyang maalab na pagtatangol sa mga kawawang nilalang na nagtrarabaho sa puting tabing.

Halos isigaw na nito sa mga namumunong politiko na ibigay ang mga karapatan at proteksyon ng Pelikulang Pilipino na nasa laylayan. Ang sabi pa ni Rhoda ay matagal ng kawawa ang mga nasa entertaintment industry halos walang boses sa gobyerno, halimbawa na lang nito ang bawal magtayo ng unyon para sa mga nagtratrabaho na direktor hangang sa janitor ng malalaking istasyon ng pelikula, telebisyon pati na sa media kaya sumabog ang diskusyon sa naturang forum, na tinatalakay ang Eddie Garcia Bill na pumasa naman sa ikatlong pagdinig sa senado, na kinatuwa ng mga artistang senador na sina Jinggoy Estrada, Bong Revilla, Grace Poe at ang may akda nitong si Sen.Lito Lapid.

Kinadismaya ni direk Joel Lamangan na mas madami pa daw ang benifits ng mga balot vendors at tindera sa palengke keysa sa mga taga movie industry. At masama ang loob dahil yung dapat na pondo sa Mowelfund na dapat mapunta noong 2023 MMFF ay nabawasan pa, dahil lahat ng Mayor ng NCR ay pumunta at dumalo sa Amerika para sa awards night ng naturang festival na ginanap dun na kaya pala halos wala ng pondo ang naturang Mowelfund. Dahil dito kinuha ng mga LGU mayors ang gastos sa kanilang paglamyerda sa USA kaya ang tanong ni Rez Cortez presidente ng Mowelfund ay saan na daw ang bilyong pisong kinita nito last year at kahit isang kusing na dapat sa benificiary nito ay waley nakuha ang kanyang ahensya.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *