TAMBALANG FRANCINE DIAZ AT SETH FEDELIN, BUBUWAGIN NA?

TAMBALANG FRANCINE DIAZ AT SETH FEDELIN, BUBUWAGIN NA?

May be a graphic of 1 person and text that says 'Archies MAX BY: ARCHIE LIAO Email add:artzy02@yahoo.com'
No description available.

MAY mga kumakalat na tsika na mabubuwag na raw umano ang tambalang FranSeth nina Francine Diaz at Seth Fedelin. Sa ngayon kasi, wala pa ring ginagawang serye ang magka-loveteam. Huling nagkasama sila sa miniseries na Fractured na ipinalabas sa iWantTFC. Naging hosts din sila ng short-lived noontime variety show na It’s Your Lucky Day. Ayon naman kay Francine sa isang panayam, bet daw muna nilang mag-explore nang solo sa kanilang mga karera. Sa ngayon, maraming kinikilig sa bagong project ni Francine kasama ang Korean superstar na si Seo In-guk kung saan nag-collab sila para sa awiting My Love.

Sa collab na ito, gustong patunayan ni Francine na aside from acting ay may ibubuga rin siya pagdating sa singing. Aminado rin si Francine na fan siya ng K pop group at ito rin ang dahilan kung bakit na-meet niya ang Halyu A-lister na si In Guk. Ito rin ang rason ng pagtra-travel niya sa South Korea. Sey naman ng kibitzers, may tulog daw si Seth kay In Guk dahil ang Koreano ang latest apple of the eye ng aktres. Speaking of Francine, naka-collab na niya last year ang Inspirational Diva na si Jamie Rivera sa isang inspirational song. Nakapag-record na rin siya ng awitin mula sa kanyang seryeng Kadenang Ginto para sa kanilang The Gold Squad Album noong 2019. Sa ngayon, pinaghahandaan naman ng FranSeth ang pagdalo sa Star Magical Ball na gaganapin ngayong Marso.

No description available.
No description available.

JOROSS GAMBOA, PINANAWAGAN ANG ‘NAWAWALANG’ SANDARA PARK

UMANDAR ang pagiging prankster ni Joross Gamboa nang mag-post siya sa kanyang Instagram account ng litrato niya kasama ang Star Circle Quest graduate na si Sandara Park. Kakatuwa rin dahil sa post niya ay nagaya niya ang blond Korean look ng Pambansang Krungkrung. May caption itong; “Nananawagan po ako baka nakita niyo po yung nawawala kong kambal…..” Marami naman ang nag-react sa ibinahagi ng actor. May mga natawa sa ginawa nitong prank sa South Korean singer, actress at dating miyembro ng all girl group na 2NE1. Ito naman ang ilang reaksyon ng netizens. “They could pass off as siblings. Hahaha” “Aha ha ha ha! BFF twin mo nasa kay apl.de.ap.:)” “Benta talaga nito ni Joross 😂” “Tawang tawa siguro dito si Sandara. Iba talaga batch nila.” “Bwahahaha benta!” “They are bff.”

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *