WHOLI-KA BLIND ITEM

WHOLI-KA BLIND ITEM

‘nasobrahan’ kaya biglang bagsak ang sex appeal… SUMIKAT NA PANTASYANG SEXY AT HUNK AKTOR, PARACETAMOL NA LANG ANG KATAPAT, INAYAWAN PA

DATI nang lumalapit sa mga showbiz na kaibigan at mga mayamang taga-media sng sumikat na sexy actor. Kuwento nga ng Isang mataray na kolumnista, humihingi raw sa kanya ang sumikat na hunk actor ng paracetamol dahil masakit ang kanyang ulo at siya ay may sipon. Agad namang nagpadala ng isang box nang paracetamol ang mataray na columnist, Subali’t iba pala ang gusto ni sumikat ni sumikat na sexy actor, “Padalhan mo ko 5k sa gcash ko, ako na lang bibili ng gamit at vitamins,” chat ni sexy actor sa mataray na kolumnista. Sabi naman ni mataray na kolumnista (na itago na lang sa initials na MK) “Ano siya hilo? Isang bodegang paracetamol, na yun,ah”, natatawa niyang kuwento pero sa awa, binigyan din niya ang sumikar na sexy actor.

Hanggang nitong nakaraang buwan ng Enero,2024, nabalitaan ng isa pang mataray, subali’t mayamang talent manager/columnist na naaksidente daw ang nasabing sumikat na sexy star, dahil nabangga daw ang minamanehong motorsiklo? Kaya naman muling binalikan ng sexy actor ang suking “Ina-inahan ng awa” or ang itinuturing niyang Mader of Pahingi Help at muling humihingi ng pang gcash? Instead na bigyan ng ayuda, inirefer daw si sexy actor sa Isang kilalang rich gay- businessman.

Nalaman ito ng richie-richie da horsie’ng bakla subali’t di ito natuwa. Sabi ni rich gay sa MK. “Noong dati, no’ng sikat pa siya, pantasya ko siya . Nanginginig ang bio kong katawan kahit na poster pa lang niya na naka-briefs,” pag-amin ng mayamang gay. Aniya pa, “Eh nakita ko siya ,payat at wala na yung dati niyang katawan. At kaya pa ba niya akong paligayahin? Dapat siya ang nagtatrabaho.” Nakakaawa nga si dating sexy actor dahil wala na ang dati niyang kinang at wala ding naipon noong kanyang ‘kainitan.’

CLUE: Dahil panay pa-instant pansit kanton niya noong kasikatan niya, pinagsawaan tuloy ang kanyang papansit canton na ngayon ay pansit bihon na lang ang katapat ng kanyang pangangatawan. un na… BY: ADOR SALUTA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *