VICE GANDA, NATUPAD NA ANG WISH NA MAGING KAPUSO!

VICE GANDA, NATUPAD NA ANG WISH NA MAGING KAPUSO!

May be an image of 1 person and text that says 'REVEAL EAL NA YAN!!! BY: GLENN REVILLA Email add: glenn.revilla@gmail.com'
No description available.
No description available.

SA tagal ng panahong nagkaroon ng girian sa ere ang mga show ng ABSCBN, TV5 at GMA 7 ay tila pabor ito sa pambansang Meme na si Vice Ganda na natupad na sa wakas ang maging parte ng Kapusong totoo dahil confirmed na ang tuluyang paglipat ng Its Showtime sa napasarang Tahanang Pinakamasaya sa timeslot nito tuwing tanghali kaya nasa cloud 9 ngayon ang feeling ni Vice Ganda.

Excited itong tumuntong sa kanilang contract signing nitong March 20,2024 sa loob ng GMA station. High na high ang halos disisyeteng mga kasamang artista ni Vice Ganda dahil yung iba ay dating kapuso na. Nagbabalik ulit sa kanilang dating tahanan talagang pinandigan talaga ang dating motto nitong ‘Where You Belong’.

Sa pagsasanib pwersa ng ABS at GMA ay tuluyan na nga natuldukan ang networks war ng dalawang malalaking istasyon ng bansa. Sama sama silang pasayahin ang buong Pilipinas at mundo sa pagpapasaya at pagbibigay ng kiliti sa masa ngayong abril 2024.

No description available.
No description available.

RURU MADRID, BANTAY SARADO SA DYOWA?!

KAHIT pa nasa taping ng kanyang aksyon serye na Black Rider ay di nakakawala sa kuko ng kanyang girlfriend na si Bianca Umali ang aktor ng Black Rider na si Ruru Madrid. Dinayo pa nito ang location ng pinag-shootingan ng aktor kahit pagod na pagod pa ito sa kanyang fantaseryeng Sang’re (Encantadia Series) na todo todo, ang paghahanda para lalo pa itong mapaganda, kaya kahit di pa nakaayos ang aktor dahil ang eksena nito ay bugbugan to da max ay naawa ang aktres sa kanyang nadatnang eksenang duguan at punong puno ng dumi ang kanyang kasintahan.

Di namalayan ng mga Kapuso na halos limang taon na din ang kanilang relasyon na masasabing isa sa mga matatag na naging mag-on sa mundo ng showbiz kung saan ay usong uso ang hiwalayan, sulutan at walang hanggang demandahan ang mga dating magkasintahan dahil lamang sa may third party at mga naipundar sa negosyo pati ari arian.

Sana hindi humantong sa ganitong sitwasyon ng magkasintahan. Dumaan na din sa hiwalayan ang kanilang pagsasama bilang magnobya dahil sa parking lot isyu noong stage 1 palang ang kanilang relasyon. Inamin naman ni Bianca Umali na isa siyang selosa at wala naman mali kung maging selosa lalo na kung sa kanya ang posisyon bilang nobya,

“Mali ba ang pagseselos. This is my territory and nobody messes with me! Yan ang matapang na pahayag ni Bianca noong naging guest ito ng King of Talk na si Boy Abunda. Grabe pala kung magmahal itong dalaga dahil ipaglalaban niya hanggang sa makakaya kaya itong si Ruru ay walang magawa kundi tanggapin ang kanyang kapalaran lalo na bihira nalang sa isang babae ngayon lalo na kung nasa showbiz ang todo todong magmahal at alam naman ito ni Ruru kaya pangako niya sa kanyang nobya ay ituring itong parang reyna at open lang sa lahat ng pag-uusap para madaling malutas ang mga problemang haharapin pa sa susunod na kabanata kaya forever ang goals ng kanilang relasyon.

No description available.
No description available.

NORA AUNOR AT BIANCA UMALI, PINAGSASABONG DAHIL SA POSTER NG KANILANG PELIKULA

Samantala itong si Bianca Umali naman ay todo ang preparasyon ng kanyang bagong pelikulang kasama ang national artist na si Nora Aunor na ipapalabas muna sa ibang bansa bilang pambato natin sa Jinseo Arigato International Film Festival sa bansang Japan. Personal na bibiyahe sa Japan ang dalaga kasama ang Superstar na si Ate Guy pero di pa ito naipalabas ay naiisyu na ang poster ng kanilang pelikula dahil sa mas malaki pa daw ang larawan ni Bianca Umali keysa kay Nora Aunor na isang pambansang artist.

Malamang na gusto ng mga producer na si Bianca ang isipin ng mga tao bilang bida sa naturang pelikula kaya parang extra na lang ang totoong mananambal. Sa Mayo 25 pa ang naturang festival sa Nagoya,Japan at dun na pararangalan lahat ng kalahok sa taunang film fest kaya malaki ang pag asang makuha ng aktres ang best supporting at best actress pati na ang best direktor na si Adolf Alix Jr.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *