kahit same menu eveyday…. MARCO GALLO, WALANG UMAY SA PALAFANG NI HEAVEN PERALEJO

kahit same menu eveyday…. MARCO GALLO, WALANG UMAY SA PALAFANG NI HEAVEN PERALEJO

May be an image of 1 person and text that says 'REVEAL NA YAN!!! BY: GLENN REVILLA Email add: glenn.revilla@gmail.com'
No description available.
No description available.

SA kanyang latest interview ay nagulat ang lahat ng deretsahang inamin ni Heaven Peralejo ang kanyang latest discovery sa kanyang current boyfriend na si Marco Gallo. Sinabi nito na kaya ni Marco kainin ang kanyang palafang araw-araw, kaya napalunok na lang itong si Marco Gallo na katabi lamang ng magandang aktres, at sabay natulala sa kanyang binuking na pahayag. Sabay pa silang nagtawanan. Biglang binawi naman ni Heaven Peralejo ang kanyang sinabi at tinuran na kaya nitong kainin ang same meal everyday, pero tapos na nitong sinabi na yun na nga di nagsasawa ito sa kanyang inaalok na pagkain, kaya naloloka itong si Marco Gallo sa mga double meaning ng mga pahayag ng kanyang jowa. Hayan di maiwasang tuksuhin sila ng kanyang mga kasamahan sa bagong handog na pelikulang Unilove Squad na sina Jerome Ponce & krissha Viaje at Gab Lagman & Hyacinth Callado na hagalpakan ang tawa at saya sa mga revealation ni Heaven Peralejo. kaya itong si Marco ay namumula sa kapilyahan ng aktres. Kaya pala madami ang nakapuna na tumataba na ito dahil kakaiba ang diet ng aktor.

No description available.
No description available.

CARMINA VILLAROEL, OVER PROTECTIVE SA KAMBAL

MARAMI ngayon ang nakapansin na itong si Carmina Villaroel ay over protective umano sa kanyang mga anak na teenager, kaya di malayong magkakaroon ito ng isyu pagdating sa pagiging istrikta. Tila gumagaya na daw ito sa mga galawan ni Tita Annabele Rama sa pagiging over sa buhay ng mga anakis. Kaya tanong ng mga maritess kung di ba nahihirapan sa itong si mommy Carmina sa kanyang role na bait baitan sa Abot Kamay na Pangarap, kung saan nga ay di mahulugang pinggan sa bait ang kanyang pinapakitang ugali na kabaliktaran diumano sa totoong buhay? Kaya sa sobrang kahigpitan sa mga anak lalo na sa kanilang lovelife, na di lahat ng buhay ng kanyang mga anak ay nasa eksena ito kahit pa sabihin na gusto lang nito na maging maayos ang kanilang mga buhay maging sa lovelife.

Tsika nga ng mga netizens, dapat di na lang pinasok sa magulong mundo ng showbiz ang kambal, lalo na kaliwa’t kanan ang isyu sa kanilang pamilya. Kaya may nagsasabinh sa malamang ay sumusunod na nga itong si Carmina Villaroel na maging momster. Lalo na itong statement na di pala naging boyfriend ni Cassy Legaspi itong si Darren Espanto kahit pa lagi itong tambay sa kanilang bahay kundi friends lang daw. Parang deny to death din si Carmina ng maglayas itong si Mavy Legaspi ng ilang araw kaya itong napabalitang gf ang napagbuntungan ng sisi kung bakit ito nawala sa kanilang bahay. Sa ngayon ay wala pang pahayag itong si Darren Espanto sa pahayag ng anak ni Carmina Villaroel na ‘like mother like daughter’ na si Cassy kaya pala lumipad ng Bali, Indonesia itong si Darren Espanto noong Semana Santa at doon na binuhos ang sama ng loob.

No description available.

SA kanyang latest movie na Your Mother’s Son ay binahagi ni Kokoy de Santos ang kanyang kalungkutan sa natsuging noontime show na Tahanang Pinakamasaya na di tumagal ng ilang buwan sa ere. Di pa rin matangap ng aktor ang sinapit ng naturang programa na minsa’y nagpatibay ng samahan ng bawat host at artista sa nabuwag na noontime show. Nagpapasalamat nalang si Kokoy de Santos na kahit ganun ang nangyari ay may mga proyekto pa ito sa Kapuso ang mainstay ng longest running comedy sitcom na Bubble Gang, na kung saan ay naipapakita ng aktor ang kanyang talent bilang komedyante at ito ngang bagong movie ng aktor Sa ngayon umarangkada na ang It’s Showtime ng makalipat ito sa GMA na halos buong bansa ang nakatutok, kaya umaasa na lang si Kokoy de Santos na maimbitahan sa bagong no.1 noontime sa kasalukuyan. Samantala itong si Kokoy de Santos ay tumodo ulit sa pagpapaseksi at the same time sa kanyang pagiging aktor sa bago niyang movie na kasama sina Sue M. Prado, Miggy Jimenez at Elora Espano, kaya asahan na dudumugin at pipilahan ito ng mga kababayan natin na gustong makapanuod ng ganitong obra maestrang pelikula.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *