KAPAMILYA AT ALL TV, SANIB PUWERSA RIN

KAPAMILYA AT ALL TV, SANIB PUWERSA RIN

May be an image of 1 person and text that says 'TALK ADOR Online BY: ADOR SALUTA email add: adorsaluta adorsaluta@yahoo.com'
No description available.
No description available.

MAGSASANIB-puwersa ang ABS-CBN At ALLTV para sa airing ng TV Patrol ngayong May 13, 2024. Ginanap ang contract signing nitong April 23, Martes sa Brittany Hotel sa Villar City, Cavite. Dumalo sa contract signing si Manny Villar, ang Chairman ng Villar Group, Senator Mark Villar, Vista Land and Lifescapes Inc. president and CEO Paolo Villar, at All Value Holdings Coro. President and CEO Camille Villar. Nása contract signing din sina Maribeth Tolentino at CFO Cecille Bernardo. Sa mga kinatawan ng ABS-CBN, naroon din si ABS-CBN Chairman Mark Lopez ABS-CBN President at CEO Karlo Katigbak, CEO Cory Vidanes, Group CFO Rick Tan at chief partnership officer Bobby Barreiro. Layunin ng bagong partnership ang maghatid ng saya at balita sa mga manonood ng ALLTV na available din sa Channel 2, sa free tv , cable at satellite tv nationwide. Sa live streaming ng contract signing, sinabi ng mga netizens na kahit walang franchise ang Kapamilya ay napapanood naman sila sa iba’t ibang istasyon Good move din ito sa mga Villar dahil unti-unti na ring tatatak sa manonood ang istasyong ALLTV . Malaking tulong din sa ALLTV ang m ga content ng ABS-CBN kaya’t panalo ang kanilang collab sa giant network. Sa mga susunod na araw, ianunsiyo na rin ng Kapamilya ang ilang hit series ng Kapamilya na mapapanood din sa ALLTV.

No description available.
No description available.

KRISTINE HERMOSA AT JERICHO ROSALES, MULING MAGTATAMBAL?

TILA nagbabadya ang pagbabalik-acting ng dating Kapamilya star Kristine Hermosa. Kaya naman naitanong sa momshie-actress kung papayag na nga ba itong makatrabaho muli ang dati nitong reel-and-real partner Jericho Rosales? Huling tambalan ng dalawa ay sa seryeng “Sana’y Wala Nang Wakas”, taong 2003. Pahayag ni Kristine, “Oo naman.” Dagdag pa niya, “Depende sa project, Depende sa mga eksena. Basta depende.”

Maingat si Kristine dahil isa na siyang pamilyadong celeb. Lima na ang kanyang supling sa asawang si Oyo Boy Sotto, anak ni Vice Sotto sa ex niyang si Dina Bonnevie. Kaya’t Iwas ang actress sa mga romantic-drama. “I need to see everything muna..Kumbaga, talagang ipi-filter ko muna ang lahat.” Wala naman daw problema kay Oyo sa kanyang pagbabalik-acting. “Wala namang problema sa kanya. Very professional din siya. Kung ano gusto ko, nakasuporta naman siya . The thing is ako talaga yung(pumipili ng role). Choice ko talaga.. Ayoko ko kasi ng ginagawa ng kung anu-ano na lang at pag ako ang gumawa it’s something that’s worth naman, worth my time and effort. Siyempre iiwanan ko yung mga anak ko . Basta yung magandang project, yung may katuturan.”Ani Kristine.

Wala naman daw problema kay Jericho dahil sa nakaraang panayam ng actor para sa cover story ng Cosmopolitan Philippines, Jericho expressed his willingness to work once more with Kristine. Sabi pa ni Echo, “As I’ve always said, I want to work with Kristine because I feel like it’s some sort of unfinished business when it comes to our run.”

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *