YANA SONODA, SA MUNDO NG SHOWBIZ AT BEAUTY QUEEN

YANA SONODA, SA MUNDO NG SHOWBIZ AT BEAUTY QUEEN

May be an image of 1 person and text
No description available.
No description available.
No description available.

DATI siyang si Yana Fuentes sa bakuran ng AQ Prime artist, na marami rin siyang nagawang pelikula, tulad ng Pula ang kulay ng gabi, Losers-1 Suckers-0, ang Peyri Teyl ni direk Joel Lamangan at ang Ligalig na pinagbibidahan ng National Artist for Film na Nora Aunor. Tampok din dito sina Allen Dizon, Winwyn Marquez, at iba pa. Sa pagsasara ng naturang kompanya, ay lumipat si Yana, na ngayon ay may bago ng screen name, si Yana Sonoda sa pangangalaga ng Viva Artist Agency at ni Ms. Len Carillo ng 3:16 Media Network Management. At wala pa halos isang taon ay may nagawa na siyang pelikulang Die Father, Thy Son na tinatampukan nina JC Santos, Nonie Buencamino, Shamaine Buencamino, James Clarence Fajardo, Quinn Carrillo at iba pa. Masasabing comeback movie ito ni Yana, Super excited na si Yana sa kanyang soon to be release movie. Mixed emotion ika nga, since ‘nangaa’ siya savfirst day ng kanilang Shooting.

“Hindi ako naka-arte for more than a year and honestly, kinabahan po akong umarte ulit sa harap ng camera. Mabuti na lang very supportive ang aming lead actor,na super tiyaga na ginuide ako sa aming mga eksena. Pasalamat din ako kay Nay Len, my second mother sa pagpuna at pag-sasaayos niya sa aking pag-arte. Thanks po inay Len.” Sa mga dating mga pelikulang nagawa ni Yana, nasa lead role siya, dito sa Die Father, Thy Son ay second lead role ang kanyang papel, bilang kapatid ng ex-gf ni JC sa movie. “Actually, super happy nga po ako sa movie na ito. Isa kasi sa gustong gusto kong gawin ay mag drama na dibko masyadong nagawa noong sa dati ko pa pong management. Super emote po ako dito at maraming eksena na umiiyak ako. Another factor, Sobra galing na JC, since I knew his movies and napapanood ko siya rati pa. Plus, alam naman nating lahat kung gaano siya kagaling na artista, at nanalo siyang Best Supporting Actor sa nagdaang MMFF. And its an honor working with such good actor like JC,” sey ni Yana.

Ano naman ang tinatakbo ng story ng movie? “Ang pangalan ko po rito ay si Ana, kapatid ng ex girlfriend ni Mike (JC) na mag-aalaga sa anak nila na si Liam (James Clarence). Isa siyang story na about sa buhay nila Mike at Liam. Si Mike ay isang OFW na matagal nang hindi nakakauwi sa ‘Pinas. Malalaman niya lang na may anak siya noong umuwi siya after 10 years. Doon lang mag-i-start bale ang kuwento,” sey pa rin ni Yana Ang Die Father, Thy Son ay prodyus ng 3:16 Media Network at mula sa pamamahala ni Direk Sid Pascua. Si Yana na ang real name ay Kagoshima Yuki Sonoda ay isang half Pinay/half Japanese na nagtapos ng kursong International Business Law sa Tokyo. Siya ay isang beauty queen sa Japan, na naging Miss Universe Japan- 2nd runner up. At ngayong May 5, ay muling sasabak sa beauty pageantry sa Japan para sa beauty title na Miss Supranational Jaan 2024. Good luck, Yana!

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *