KC CONCEPCION, NAGPARAMDAM SA EX-DYOWA?

KC CONCEPCION, NAGPARAMDAM SA EX-DYOWA?

May be a graphic of 1 person and text that says 'Archies rchies MAX BY: ARCHIE LIAO Email add: dd:artzy02@yahoo.com'
No description available.
No description available.

UMANI ng samu’t-saring reaksyon sa mga marisol ang pagbating ginawa ni KC Concepcion sa kaarawan ng kanyang rumored dyowa na si Mike Wuethrich sa kanyang Instagram account.Ito ay sa kasagsagan ng mga tsikang hiwalay na ang dalawa. Sa kanya kasing Instagram story, ipinost niya ang litrato niya kasama si Mike na may espesyal na mensahe sa Filipino-Swiss businessman. Caption niya: “Happy birthday, swizzy. Thank you for being the player one to my player two. I enjoy every adventure you take me to, and I’m proud to see you overcome every challenge life throws at you. I so enjoy your smile when I see it so keep smiling!” “Despite the distance, there’s a reason God made our paths cross… It’s exciting the good things He has in store for us and for you! Enjoy today… Happy Birthday! Let’s celebrate you!” dugtong niya.

Sa kanyang mensahe, nanganak agad ang iba’t-ibang espekulasyon tungkol sa estado ng kanilang relasyon. May mga nagsabing tila nga may katotohanang hiwalay na ang dalawa. May mga naguluhan naman kung ano raw kaya ang ibig ipakahulugan ng actress. May ilan namang nagmamaldita na nag-read between the lines na iniintrigang hindi seryoso ang anak ng Megastar sa pakikipagrelasyon sa nasabing businessman. Ito ang ilang sey ng kibitzers. “Player one to player two. Ano ito, nakikipaglaro?” “So, hindi seryoso si KC sa kanyang dyowa?” “Nagkaroon na ba siya ng public admission na opisyal na sila?” “Hindi naman kailangang i-anunsyo iyon kung sila na. Implied na iyon sa actions nila at sa mga balita.” “So break na talaga sila. Pero, in fairness, it wasn’t a bad break up. Siguro,isyu diyan ang long distance relationship.” “I like iyong pagpapakatotoo ni KC. At least, they’re still good friends.”’ “Naguluhan ako. May sinabi bang break na sila?” “They’re not together anymore but they remain good friends. Yun ang intindi ko sa message.” “Nakikipagpatintero si teh kay kuya. Ganoon ba?” “Naku!Hindi sila bagay!!!!”

No description available.
No description available.

ROB DANIELS, PINAGKAGULUHAN SA RETASHOW

NAPUNO ng tilian ang activity center ng SM Novaliches nang mag-perform ang singer-songwriter na si Rob Daniel na isang Viva artist. Ito ay sa RetaShow, ang Catwalk to Sustainability fashion event na ginanap sa nasabing venue kamakailan. Sa event, itinampok ang obra ng mga malikhaing designers gamit ang used o recycled textile. Ang event ay pagtatapos ng Earth Day celebration na nagsimula pa noong April 22. Layuning ipanalo nito ang kalikasan laban sa masamang epekto ng textile waste at plastic pollution. Para kay Rob, sobra siyang flattered sa naging reception sa kanya ng audience. “Masaya po ako sa reception ng audience. Sobra po siyang nakaka-overwhelm,” ani Rob. Ayon pa sa simpatikong singer, proud siya na maging bahagi ng adbokasya ng RetaShow. “Isang karangalan po sa akin na makapag-perform sa isang show with a cause like RetaShow..I think, napapanahon din po siya lalo na’t nakakaranas tayo ng global warming. It’s time for us to get involved in preserving Mother Nature in an eco-conscious fashion,” paliwanag niya. Si Rob ay isa ring instrumentalist na nakilala sa mga hit songs tulad ng Rom Com, Miss Miss at Ang Pag-ibig. Ang kanyang debut recording na Ulap ay umani ng six million hits sa YouTube noong 2020. May 55 million hits naman ito sa Spotify. May more than 4 million monthly listeners din siya sa naturang music streaming platform.

Speaking of Retashow, naniniwala naman si QC Mayor Joy Belmonte na advocate ng sustainable fashion na hindi kailangang malimitahan ang pagiging malikhain ng mga Pinoy gamit ang used o recycled fabric sa paraang nakakatulong din sila sa kalikasan. Dahil usong-uso ang fast fashion, nakakaalarma ang pagkonsumo ng mga damit na gawa sa synthetic fiber na isang uri ng plastic na ayon sa datos ay bumubuo ng malaking bahagi ng textile waste sa mundo. Mensahe ng RetaShow na maging conscious ang lahat sa pagbili ng mga damit at gamit at gawing uso ang upcycling, and repurposing. Ito ay kaugnay din sa mga programang Trash to Cashback – na isang incentivized recycling program, at Refill Hub initiative, na ipinatutupad sa lungsod ng Quezon. Naging kabalikat din nito ang Kilo/s Kyusi: Kilo Store ng Bayan, Tulong para sa Kinabukasan, na naglalayong isulong ang sustainable consumption sa pamamagitan ng reuse at repurpose.

Pinangunahan ito ng mga empleyado ng lungsod na nag-donate ng kanilang mga pre-loved items tulad ng damit, bags, mga kagamitan sa bahay na ibinebenta kada kilo for a cause. Sa loob lamang nang isang linggo ng pagbubukas, mahigit isang milyong piso agad ang nalikom mula sa mga nabiling pre-loved items, na ginagamit ngayon upang tulungan ang mga estudyanteng palakasin ang kanilang kaalaman at kahusayan. Dahil sa klik na konseptong ito, opisyal na binuksan ang first-ever permanent store for Kilo/s Kyusi sa City Hall Compound. Kasama rin sa programa ang pagkakaroon ng Kilo/s Kyusi store sa bawat barangay sa pangunguna ng Sangguniang Kabataan Federation. Sa 20 finalists na nagpasiklaban sa Reta Show, nagwagi ng grand prize si Renegade Limpin ng Barangay Paltok. Pumangalawa si Maricris Pabelico ng Barangay Sauyo at third prize winner ang pride of Payatas na si John Jade Montecalvo. Ang mga hurado ay kinabibilangan nina Zarah Juan ng Vote to Tote program, Pamela Mejia, founder ng FIBERS, at tanyag na designer na si Erick Pineda, Founding Member ng Philippine Association of Theatre Designers and Technicians.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *