o kinilig? KIM CHIU, SINUMPONG NG SELOS SA LAPLAPAN SCENE NINA KYLIE VERZOSA AT PAULO AVELINO

o kinilig? KIM CHIU, SINUMPONG NG SELOS SA LAPLAPAN SCENE NINA KYLIE VERZOSA AT PAULO AVELINO

May be an image of 1 person and text that says 'REVEAL EAL NA YAN! BY: GLENN REVILLA Email add: glenn.revila@gmail.com'
No description available.
No description available.

SA red carpet premier night ng movie ng kalabtim ni Kim Chiu na si Paulo Avelino, ay matagumpay itong dinagsa ng libo libong KimPau fans. Na talagang nagtiyagang hintayin ang kanilang idolo kahit umaga palang ay nakapila na ang mga ito sa cinema kung saan ginanap ang naturang premier night ng Elevator, na pinagbibidahan ng super gwapong aktor na si Paulo Avelino at Kylie Verzosa. Kinagulat ang bagong katawan ng 2016 Miss International na lalong sumeksi at pumayat ng todo todo simula ng maghiwalay ito sa kanyang ex na si Jake Cuenca. Dumalo sa naturang red carpet ang napapabalitang bagong apple of the eye ng aktor na si Kim Chiu, na super supportive sa kanyang Linlang leading man at sa teleseryeng What’s Wrong With Secretary Kim?

Mas tinilian at mas dinumog pa ang aktres sa pagrampa sa red carpet premier kaya sa mga aktor na kasama sa movie. Mapapansin na tila awkward humarap si Kylie sa mga press at media na nagtatanong sa kanya kaya tipid na tipid kung sumagot sa katanungan sa kanyang latest lablayf na masasabi mong napakaswerteng nilalang dahil ang current afam boyfriend ng beauty queen actress ay nasa tabi tabi lang siyang binabantayan at pinagmamasdan. Bagong bago ang script ng Elevator, iba ang atake nito as in magugulat ka nalang na pwede palang paghaluin ang ganitong tema ng pelikula ang business at pleasure na dati sabi pa na Don’t mix business with Pleasure pero sa bagong handog ng Viva Films aba its more on business ang ginawa nila na bumagay naman sa role ni Kyle Versoza at Paulo Avelino.

Marami ang nagulat eksena na kissing scene ang dalawa sa elevator ng napatulala at napasigaw si Kim Chiu sa kanyang upuan, di mo akalaing mashock ang aktres ng maglaplapan ng todo sina Paulo at Kyle. Kung titingnan mo itong si Kim Chiu ay parang naapektuhan ito sa kanyang nasaksihang intimate scene, na parang nangigil sa selos at di makapaniwalang nasa harapan lang ng kanyang upuan ang mga gumawa ng eksenang nagpakilig sa mga nanuod. Madami ang natuwa na may ganitong pelikulang naproduce na ang location ay sa bansang Singapore Sa mga gustong manuod at magpalamig sa sinehan ito na ang pelikulang masasabing deserved magka awards at manalo sa bawat puso ng mga Pilipino ang Elevator na showing na sa buong Pilipinas.

No description available.
No description available.

MGA SANG’GRE NG ENCANTADIA, NAG-BOOK READING

SA kanilang latest guesting sa Philippine Book Festival 2024, dinumog at pinagkaguluhan ang mga Sang’gre ng bagong fantaseryeng Encantadia Chronicles na sina Angel Guardian as Diea, Bianca Umali bilang si Terra, Kelvin Miranda bilang si Adamus at ang kontrabidang si Flamarra na ginampanan ni Faith de Silva. Tinutukan ng mga kapuso ang kanilang on the spot read along session sa World Trade Center na talagang hangang hanga sa kanilang kagalingan magkwento lalo na itong si Bianca Umali na umani ng palakpak sa mga tagahanga nito. Di rin nagpahuli sa pakwento ang mga kasamahang Sang’gre na sina Kelvin Miranda na sobrang galing na parang naging makata na umani ng papuri lalo na ang kakisigan, kaya walang tigilan ang hiyawan at sigawan ng mga kafatid sa pananampalataya mahawakan lamang ang prinsipe Adamus ng Encantadia. Pero walang makakatalo sa katarayan ni Faith da Silva na isang balakid sa kanilang kaharian dahil sa mismong encantadia siya lang naman si Flamarra na taglay ang kapangyarihan ng apoy. Sobrang sweet itong si Angel Guardian sa mga fans kaya daming nangigil sa kanya kaya panay ang pakuha ng picture habang iniikot ang mga books na talagang nagpaligaya sa mga cast ng Encantadia at parang bumalik sa pagkabata ang mga ito ng mabasa ang mga children’s book. Kaya umuwing tuwang tuwa ang mga batang nagpakuha ng mga selfies.

No description available.
No description available.

ANGELINE QUINTO, NATUPAD ANG WISH NA SA SIMBAHAN NG QUIAPO

MAGPAPAKASAL PARANG naging eksena sa isang malaking teleserye ang kasalan ng bagong mag-asawang Angeline Quinto at mister na si Nonrev Daquina, sa simbahan ng Quiapo. Di lang malalaking artista ang sumugod at sumaksi sa pambihirang kasalang na nagpainit pa lalo ng panahon kundi ang mga libo libong tagahanga ng mga artista ang pumuno sa simbahan ng mahal na Black Nazareno ng Quiap. Knows naman ng lahat na di pinapayagan ng simbahan ang magpakasal sa naturang simbahan ng Quipo dahil sa lokasyon nitong magdudulot ng matinding trapik at sa dami ng taong namamanata sa loob ng simbahan, kaya taon ang bibilangin bago payagan magpakasal pero pag biyernes at linggo bawal magpakasal sa Quiapo. Kaya swerte na lang kung may makuhang slots at tiyak na mahal ang bayad sa ganitong kasalan. Dinaluha ito ng mga bigating ninang at ninong na sina mayora ng Maynila na si Honey Lacuna, Boy Abunda, Martin Nievera, Regine Velasquez, Vice Ganda at mga bossing ng kapamilya network kaya nagkagulo ang mga taong nabulabog ang kanilang mundo dahil kung ai Coco Martin ay sawang sawa na silang makita itong nagshoting sa Quiapo.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *