Sa mga hindi pa nakakaalam, taong 2021 pa nag-shooting Ang pelikulang Pula na pinagbibidahan Nina Coco Martin at rumored girlfriend Julia Montes. Sa Pola, Oriental Mindoro ang location. Ang multi-awarded director Brillantes Mendoza ang director.Nitong Mayo 4 ang worldwide streaming ng Pula at napabilang sa Top 10 Movies in the Philippines sa Netflix sa ngayon.Bukod kina Coco at Julia, Kasama sa cast Sina Christine Bermas, Vince Rillon, Raymart Santiago,Allan Paule , Elizabeth Oropesa, Lotlot de Leon, Catleya Surii, Erlinda VillaLobos at Angelica Cervantes. With special participation Kay Oila, Oriental Mindoro Mayor Una Alegre.Rated P-16 ng MTRCB ang film dahil mayroong butt exposure ang Batang Quiapo actor habang may boobs exposure si Christine. May pagkabayolente ang film na may tagline na, “When a brutal murder of a teenage girl devastates this sleepy town, a troubled police officer begins an investigation that tests his limits.”
ANG BUKOL NI LUIS MANZANO
SA kanyang YouTube vlog, ibinahagi ni Luis Manzano ang kanyang health scare ang pagkakaroon niya ng bukol sa ulo. Naalarma ang tv host dahil pinayuhan siyang mag-undergonng biopsy although in-assure ng kanyang mga doctor na simpleng bukol lamang ito at di dapat ika-alarma. Ani Luis, “May kailangang i-biopsy dito sa taas ng ulo ko.”Sinabi pa ni Luis na ang pagsalang nito sa biopsy ay para malamang kung cancerous or not, or malignant or benign ang tumubong bukol sa kanyang ulo.Bago ito sumalang sa biopsy kumunsulta muna ito sa kanilang family doctors kung simpleng bukol lamang ito o cancerous?” Do I feel okay?Yes! Apat na doctor na ang nagsabi na malabong-malabo ito na maging cancerous. May konting kaba? Siyempre, Kasi ii-stitch yan e.”aniya sa nararamdaman.Isasama ko kayo sa procedure.Parang tatanggalan ng sample tapos 2-3 stitches. So papanoorin ko kayo,” kalmadong sabi pa ni Luis.