JUDY ANN SANTOS, INI-ENJOY ANG REUNION BONDING NILA NG ILAN SA MGA DATING KASAMAHAN SA ‘GIMIK’

JUDY ANN SANTOS, INI-ENJOY ANG REUNION BONDING NILA NG ILAN SA MGA DATING KASAMAHAN SA ‘GIMIK’

May be an image of 1 person and text that says 'REVEAL EAL NA YAN!! BY: GLENN REVILLA Email add: :glenn.revilla@gmail.com'

KINAGIGILIWAN ng mga batang 90’s ang pambihirang reunion ng sikat na sitcom na Gimik sa Judy Ann’s Kitchen kung saan ay nagbonding ulit ang cast ng mga idolong sumikat nung bago mauso ang mga gadget ng mga millenials ngayon. Kaya patok na patok ang kanilang pasiklaban sa kusina kung saan nga ay master chef itong si Judy Ann Santos na kasama syempre ang di nagpahuli sa pagdating ng pasarapan ng recipe na si Marvin Agustin na isa ding owner ng mga restaurant. Nakisaya sa kanilang reunion sina Jolina Magdangal, Mylene Dizon at Dominic Ochoa na super tawanan sa kanilang pagtulong sa paghiwa at pagluto ng specialty ng kanilang paboritong ulam, ang gustong gusto ng kanyang mga batchmates na steamed lapu lapu, pork ribs at oyster omelet. Sa sobrang sarap ng mga niluto ng kagimikan ni Juday ay nasira ang diet ng mga ito lalo na nilantakan at inubos pa ni Dominic Ochoa ang mga cakes na pinagtulungang ibake ni Jolina Magdangal at Mylene Dizon, pati ang presentation nito ay di nalalayo sa isang sikat na bakeshop. Kahit di kumpleto ang kanilang grupo ay sobrang kulitan at asaran ang nangyari sa kusina ni Juday na halos kumalat na ang mga ingredients sa dami ng mga naging chef. Kaya di na malaman kung napasobra o nakulangan ang timpla lalo na itong si Marvin Agustin na panay ang tikim sa lasa ng mga putahe kaya lalong masaya sana kung naging kumpleto silang mga Gimik stars kung nakadalo sina G Toengi, Bojo Molina at Diether Ocampo. Kung buhay lang sana si Rico Yan, aba lalong masaya lalo na katatapos lang ng birthday nito.  Dapat muling irevive ang Gimik para nga naman yung mga titas at titos ay maalala ulit ang kapanahunang minsan ay naging tagahanga sila ng no.1 sitcom nung 90’s na punong puno ng aral sa buhay ng isang kabataan na nangangarap upang maitaguyod at maiahon ang kanilang mahal sa buhay.

DIAMOND STAR SA SENADO

MATAPANG na hinarap ng Diamond Star na si Maricel Soriano ang akusasyon ng senador na si Bato dela Rosa sa isyung sangkot ito sa droga nung 2012, kung saan nga ay  prinisinta ng isang PDEA agent na si Jonathan Morales ang dokumentong nagpapatunay na under surveillance ang aktres sa kanyang pag aaring condominium noon sa Rockwell. Naging kontrobersyal ang isyung ito ng binulgar ni Vlogger na si Maharlika na itong Taray Queen na si Maricel Soriano  ay kasamang nakitaang diumano na may video na nagpolboron sila ni BBM sa kanyang condo.  Umabot na nga sa senado kaya no choice itong si Marya na harapin ang mga nag aakusa sa kanyang pagkatao. Inamin naman ni Marya na sa kanya ang nasabing condominium sa Rockwell pero naibenta na ito noong 2012 kaya naloloka ang mga netizens kung ano ang kaugnayan nito sa ating pangulo lalo na sa ngayon na mainit ang politika sa giriang Duterte at Marcos kaya madaming nagduda na isang politika lang ito at ginagamit ang Diamond Star para hilahin si BBM.

Matatandaan na si Leni Robredo ang kinampanya ni Maricel Soriano kaya certified kakampink ang aktres pero ng tinanong ulit ito ni Senador Bato ay kung binugbog ba nito ang kanyang katulong ay sinagot na lamang ng isang katarayan ni Marya ”Dalawa po sila pano ko bugbugin?” Wala naman dapat ipaliwanag ang Diamond Star lalo na kung nagbago na ito at di dapat gawing circus ng isang senador ang imbestigasyon lalo na wala itong ebidensya na magpabagsak sa administrasyon. Mas maraming matutuwa kung solusyunan nalang ang problema ng bayan sa ngayon lalo na ang mahal ng mga bilihin katulad ng bigas, kuryente at pamasahe na nagpapahirap sa mamayan.

BEA ALONZO, TULOY TULOY LANG SA MGA KARAKETAN

NAKISAYA ang pinag uusapang aktres sa ngayon ang Kapusong si Bea Alonzo sa pista ng Capiz, kung saan ay naging panauhin pandangal. Halos buong cast ng Widow’s War ang full force na nakigulo sa Capiztahan na sina Ian Veneracion, Rafael Rosel, Jean Garcia at Jeric Raval na talagang dinumog ang mga Kapuso, na labis na ikinatuwa ng mga ito sa mainit na pagtangap sa kanila. Kahit pa sangkot itong si Bea Alonzo sa ngayon ng demandahan ng mga showbiz reporters na sina Ogie Diaz at Nay Cristy Fermin ay tuloy tuloy pa din ang pagbibigay ng kasayahan sa mga Kapusong taga Capiz as in dedma lang ito.

Di pinapansin kung may natatamaan sa kanyang paghain ng reklamo sa mga nagtatanong sa kanyang kredibilidad bilang artista kaya itong isyung kinasangkutan ng di pagbayad ng tamang buwis, ay ang senyales na dapat ipaglaban ang kanyang karapatan lalo na isa si Bea Alonzo sa mga highest tax payer ng BIR. Di naman ito reresbak sa mga maritess nating kapatid kung di ito nasaktan at nasobrahan kaya kung ano man ang kanyang pinagdaanang mental health dulot ng chikang tax evader ay malamang nakaapekto ito sa aktres at tinuluyan na ngang idemanda ang mga kolumnistang nagpakalat ng masamang balita kaya abangan nalang ang susunod na kabanata sa seryeng pinag uusapan ngayong mainit ang panahon.

May be an image of 1 person and text that says 'Wally W PERALTA E ENTERTAINMENT EDITOR email add: peraltawally peraltawally58@yahoo.com'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *