ALL TIME SAYA SA ALL TV

ALL TIME SAYA SA ALL TV

May be an image of 1 person and text that says 'TALK ADOR Online BY: ADOR SALUTA email add: adorsaluta adorsaluta@yahoo.com'
ABS-CBN PR | CATCH THESE KAPAMILYA PROGRAMS ON ALLTV ALLTV All-Time Saya  airs “Minute to Win It,” “TV Patrol,” “Pangako Sa'yo,” “Fore... | Instagram

SIMULA nitong Lunes, May 13, napanood muli ang mga hit series sa ALL TV na binansagang All Time Saya  kasama ang tambalang KathNiel (Kathryn Bernardo), sa seryeng  Pangako Sa ‘Yo,(2015), ang  Forevermore ng LizQuen (Liza Soberano-Enrique Gil) at na susundan ng On the Wings of Love ng JaDine(James Reid-Nadine Lustre).. Tatlo sa pinakamamahal na Kapamilya teleserye, Pangako Sa ‘Yo, Forevermore, at On the Wings of Love ang bubungad sa bagong primetime block na ALLTV na All-Time-Saya kasama ang Minute to Win It at TV Patrol. Pagkatapos ng simulcast ng TV Patrol, maari nang balikan ng mga manonood  ang pag-iibigan nila Angelo ay Yna na ginàmpanan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa hit remake ng Pangako Sa ‘Yo  na eere tuwing Lunes, hanggang Biyernes, 8pm  Malamang na ikakatuwa ng mga LizQuen fans na masaksihan muli ang love story nina Xander na anak ng Isang hotel magnate at Agnes, ang dalagang anak ng strawberry farmer na kinunan sa bulubundukin ng Sitio La Presa sa Baguio  Isa pang magandang kuwento ang pag-iibigan nina Clark at Leah na ginàmpanan nina Nadine Lustre at James Reid na mapapanood tuwing 9:30 pm sa primetime simulcast. Namnamin ang All Time Sayansa ALLTV  na mapapanood sa channel 2 sa free TV, cable  at satellite TV nationwide.

MarTeam Steph Colline 5 interesting facts | ABS-CBN Entertainment
The Voice Teens Abscbn - ✌🏻 [Battle Rounds] Congratulations, Yen! You are  moving on to the Knockouts! | #TVT3shookt | Facebook

THE VOICE TEEN PHILS 2024 TOP3 

NAPILI na ang top 3 artists of The Voice Teens season 3 na magtatagisan bilang grand winner ngayong finals ng The Voice Teens this Saturday, May 18,  na mapapanood ng live  at 7:30 pm sa  Kapamilya online live. Sa nakaraang episode ng reality singing search  nitong Sunday, top 3 artists were determined through the combination of judge’s scores and public votes. Nagpasiklaban sa kanilang mga awitin ang 6 contestants hanggang sa mapili ang top 3 na tutuloy-tuloy ang tagisan sa pagkanta  next weekends Ang representative ng Team Marteam ni Martin Nievera na si Steph Lacuata Ang nagwagi with 59.12%  combined votes over Colline Salazar’s 49.88%. Close fight naman sa Team Supreme ni KZ Tandingan as Yen Victoria garnered a total of  50.64% from judge’s and public votes against rival Pia Carandang’s 49.36%   Sa Camp Kawayan ng Team Bamboo(Mañalac) nanaig si Jillian Pamat sa score na 60.39%  versus  Nicole Ilivo na nakakuha lamang ng 39.70% sa combined votes ng mga judges at public votes. Sa susunod na Sabado, May 18 at Sunday,May 19 na ang finals The Voice Teens at sa Gabi ding yun ay  malalaman kung sino ang hihiranging The Voice Teens grand champion.

May be an image of 1 person and text that says 'Wally PERALTA TO ENTERTAINMENT EDITOR email add: peraltawally58@yah 58@yahoo.co'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *