WHOLI-KA BLIND ITEM

WHOLI-KA BLIND ITEM

dating Pamilya Sagrado….. PAMILYA NI AKTRES NGAYON AY PAMILYA SADROGA NA….. OH, WHAAATTTT!!!?

NATUWA ang marami na nagkasundo ng muli ang mag-inang kapwa gumawa ng pangalan sa showbiz. Itago natin si anak ng aktress bilang si Dyonaknak at ang kanyang ina na magaling na aktres si Maderder. Sa true lang, halos lahat ng anak ni Maderder ay nakatampuhan na niya. Pero ang maganda nito, naayos din naman. Kaya lang ramdam ang malaking pagkukulang ni Maderder sa kanyang mga anak. Hindi na kasama ni maderder sa bahay ang dalawa niyang anak na wala pang asawa at pamilya. At nakikitira lang sa ibang anak ni maderder na may sarili ng pamilya.

Habang ang kasama ni dyonanak  sa bahay ay mga ‘di niya kapamilya. Walang permanenteng trabaho ang dalawa pang anak ni maderder. At ang siste, gumagamit pa sila ng ipinagbabawal ma droga. Pilit na kinukumbinse si maderder ng kanyang panganay na anak na dalhin na sa rehab ang kanyang mga nakababatang kapatid. Pero tutol na tutol si maderder sa suhestiyon ng kanyang panganak na anak. Ang katwiran ni maderder nahihiya siya na lumabas sa publiko na nagdro-droga ang kanyang mga anak at ipinasok sa rehab. Takot lang siguro si maderder na baka pati siya ipasok na rin sa rehab kasama ng kanyang mga anak. Knows kasi ng malalapit kay maderder na siya man ang isa ring drug user. O di ha, like mother, like children.

CLUE: : Si magaling na aktress ay mabentang mabenta pa rin hanggang ngayon sa mga movie producers at maging sa mga teleserye..  BY: PNC REPORTORIAL TEAM

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *