
Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 17 kaso ng sugat dulot ng paputok (FWRI) kaugnay ng nalalapit na Pasko at Bagong Taon.
Ang datos ay mula Disyembre 22-23, 2024, na naiulat sa 62 ospital na mino-monitor ng DOH sa buong bansa.
Sa mga naitalang kaso, 16 ang lalaki na nasa edad 7-37, habang isang babae, 20 taong gulang, ang kabilang din sa mga nasugatan.
Pinaalalahanan ng DOH ang publiko na iwasan ang paggamit ng paputok at mas piliing gumamit ng alternatibong pampasaya tulad ng tambol, torotot, at iba pang ligtas na opsyon.
Hinimok din ng DOH ang mga magulang na huwag hayaang magpaputok ang kanilang mga anak.
“Para sa tulong, tumawag sa National Emergency hotline sa 911 o sa DOH hotline sa 1555,” pahayag ng DOH. “Disiplina ang susi para sa masaya at ligtas na Pasko sa Bagong Pilipinas!”