
Maulan ang inaasahang panahon sa ilang bahagi ng bansa sa bisperas ng Bagong Taon, ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Pahayag ni weather specialist Benison Estareja, ang shear line, amihan, at intertropical convergence zone (ITCZ) ang pangunahing dahilan ng pag-ulan sa iba’t ibang lugar.
“Sa huling dalawang araw ng 2024, asahan natin ang pag-ulan,” ani Estareja.
Dagdag pa niya, ang shear line ay magdudulot ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon.
“Moderate to heavy rains pa rin ang mararanasan sa Cagayan Valley, Aurora, Quezon, Camarines Norte, Oriental Mindoro, at Marinduque dahil sa epekto ng shear line,” paliwanag ni Estareja.