
NAKAKABAHALA ang naging resulta ng pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) kung saan lumalabas na 5 sa bawat sampung filipino ang nagsasabing sumama o naging mas naging mahirap ang uri ng kanilang pamumuhay sa nakalipas na huling 12 buwan.
Ibig sabihin nito ay hindi pa man sumisiklab ang digmaan sa Gitnang Silangan ay nakakaranas na ng matinding kahirapan ang halos kalahati ng kabuuang bilang ng milyun-milyong Filipino.
At ang naturang survey ay isinagawa noong Marso 24 hanggang 31 kung saan 50 porsyento ng mga respondents ang nagsabing lalo pang sumama ang klase ng kanilang pamumuhay sa nakaraang 12 buwan habang 23 porsyento naman ang nagsabing mas naging maayos naman daw sila at 26 percent ang hindi naman daw nagbago ang kanilang buhay.
Gayunpaman, ang pinaka-apektado ng patuloy na paglala ng kahirapan sa ating bansa ay ang hindi katanggap-tanggap umano na pamamalakad ng ating gobyerno kung saan ayon na rin sa mga pinoy ay parang hindi nakapokus upang paangatin ang buhay ng mga ordinaryong filipino kundi paunlarin at pakapalin lamang ang laman ng bulsa ng mga nakaupo sa mga puwesto.
Natural kung pulitiko ka na nakaipon na dahil sa walang tuos na pangungurakot eh tiyak na daig mo pa ang sanggol na lumulungad dahil sa dami ng nainom na gatas at di mo na sigurado kayang bilangin ang mga naitagong mong nakaw na yaman habang ang mga kabababayan na umaasa at nananaginip na uunlad ang bayan at kasabay silang magkakaroon ng pagkataon na maingat ang mga sarili ay daig pa ang nadale ng salisi at budol gang.
Tsk tsk …sabi nga sa isang nobela ni Dr. Jose Rizal…ANG PANAGINIP AY PANAGINIP LAMANG…totoo nga!
At ano ang tunay na pinag-ugatan ng ganitong nakakapag-alalang karanasan ng mga pinoy?
Tsk tsk natural ang una sa lahat diyan ay ang napakalalang kurapsyon na animo’y bampirang sumisipsip sa kaban ng bayan at ang korapsyon sa mga proyekto at programa ng pamahalaan na sa halip na mapunta sa taumbayan ay kinukurakot ng mga buwayang naka-kurbata.
Hindi pa magkamatay ang hayup na ito..kunin na sana kayo ng kapwa ninyo…DEMONYO!
Kung mayroong pinakamalalim na dahilan kung bakit hindi tayo makaahon sa kahirapan samantalang yung ibang mga karatig na bansa natin na una pa tayong naging mas maunlad ay walang iba kundi ang sistematikong kurapsyon na ginagawa ng mga timawang mga pulitiko na ang ikinabubuhay ay ang magsamantala sa kaban ng ating bayan.
Siguro kung mayroon mang pulitiko at mga empleyado o opisyal ng pamahalaan na maayos at tumutupad nang maayos sa kanilang mga tungkulin ay wala pang sampung porsyento sa kabuuan.
Kung di ba naman mga walang pakialam talaga sa mga pinoy na naghihirap ang mga hinayupak na pulitiko ay sa halip na harapin at mag-pokus kung paano matutulungan ang sektor na naaapektuhan nang husto sa biglang pagtaas ng mga produktong petrolyo ay ang punyetang walang tigil na pamumulitika ang inaatupag.
Oo nga at may mga mambabatas tayo na talagang-nag-e-effort upang makagawa ng mga hakbang para matulungan ang mga nagdurusa nating mga kababayan eh mas marami pa rin na ang pinagtutuunan ng pansin ay ang kalagayang pambulsa at pampulitika para sa kanilang magiging kalalagyan sa 2028 elections.
Sabi ng mga mambabatas tayo daw ay uhaw na uhaw upang mapatalsik o ma-impeach ang VP Sara Duterte at mapanagot si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Taumbayan ang humihiling at gusto ng dugo ng mga Duterte para panagutin sa kanilang mga bintang…pero ano ba talaga ang totoo?
‘Yung mga buwaya na sabit sa flood control asan na?
Bakit puro mga pipirat ang nakukulong?
Bakit walang Butanding na nasa kalaboso gaya ng sinasabi ninyo.
Ang gusto ninyong imbestigahan ay ‘yung suspek na wala pang matibay na ebidensiya na totoo ang pagkakasangkot at hahanapan pa lang ng kasalanan habang yung nagdudumilat na mga naglalabasang testigo at mga ebidensiya kuno sa male maletang nakawan ay di ninyo sinisipat…mga duling o duling-dulingan lang?
Bakit sa halip na pumokus kayo sa pagtulong sa mga nahihirapan ninyong kababayan ay ang perang dapat mapunta sa taumbayan ay diyan ninyo inuubos sa pag-upo sa bulok na impeachment hearing na yan na hindi pa isampa sa senado kung talagang nararapat na patalsikin si VP sara at hayaan ninyo na ipagtanggol niya doon ang sarili niya at hayaan na husgahan siya doon ng mga senador na hindi naman tiyak babase sa kung may kasalanan ba o wala ang bise kundi kung ilan ang kalaban niya at kakampi doon.
Di ba nagsasayang lng kayo ng pera ng bayan dahil hindi naman totoo na katotohanan ang hinahanap ninyo diyan kundi kung paano kayo makakalamang sa pamumulitika.
Wala kayong awa sa bayan… saan kaya humuhugot ng kapal ng mukha ang mga pulitiko lalo na ‘yung mga kahit hindi mo na imbestigahan ay alam mo namang namumuwalan sa pagsipsip sa pondo ng bayan…mahihiya sa inyo si MALABANAN!
Tsk Tsk Tsk May pag-asa pa kaya ang bansang Pilipinas?
Dun sa Quezon City may…PAG-ASA!!!!!

