

Sa presscon ng pelikulang “She Who Must Not Be Named”, naging vocal si Seth Fedelin sa posibilidad na ibigay ang kanyang apelyido sa kanyang screen partner na si Francine Diaz sa hinaharap. Hirit pa niya, malalim na rin daw ang pundasyon ng kanilang pinagsamahan ng kanyang love team partner. “Kahit anong problema ang kaharapin natin, minsan tatawagin kita sa pangalang ‘hoy, galit ako sa’yo,’ pero ang commitment ko sa’yo, hindi mawawala,” sey niya kay Francine.
Bulalas pa niya, malinaw umano sa kanya kung ano ang direksyon na gusto niyang tahakin ng relasyon nila ni Francine na bet niyang panindigan. “The commitment of a person towards me, alam ko at clear sa akin kung hanggang saan ‘yon,”bulalas niya. Hindi rin niya napigilang banggitin ang tungkol sa apelyido. “Commitment saka apelyido… siyempre gusto kong mapalitan ang apelyido niya,” pahabol ni Seth, na lalo pang nagpakilig kay Francine. Para naman kay Francine, isang form of flattery ang marinig ang ganitong salita mula sa taong matagal na niyang kilala. “To hear that from someone you’ve known for a very long time… bilang babae, rare na ‘yan ngayon. Sana hindi joke, noh?” sambit niya sabay tawa.
Dagdag pa ng aktres, bukas siya sa mga posibilidad sa hinaharap. “Hindi naman tayo forever na bata. Darating ang panahon na kailangan mong mag-settle down at pumili ng makakasama mo sa buhay. I appreciate that, if that’s for me.” Nang tanungin naman si Seth kung nililigawan na nito si Francine, makahulugan ang kanyang naging sagot. “Ako kasi iyong tipo ng lalake na gusto ko na may safety sa akin ang girl.. Hindi naman po ako iyong tipong nagmamadali. Gusto ko ang ginagawa ko. Kung ano po ang estado namin sa ngayon, kontrolado namin iyon. Kung ano talaga ang real score sa amin, siguro sa akin na lang muna iyon. Basta ang masasabi ko, kung ano man kami, malayo na sa dati,” sey niya.
Naurot din siya kung nag-iisip na siya ng long term kaya naungkat niya ang pagpapahiram ng apelyido kay Francine bilang possible Mrs. Fedelin in the future. “Mas iniisip ko po ngayon ang sarili ko. Siyempre pag na-accomplish ko na iyong goal ko. Di naman puwedeng ibigay ko iyong apelyido ko kung wala pa akong pakakain. Siyempre, trinatrabaho ko pa rin po ang gusto kong puntahan in the future. Pag medyo nakamit ko na iyon, maybe it’s the right time na pag-isipan iyon. We’re still young. Marami pa po kaming puedeng i-explore. Saka iyong pokus po namin ay gusto po naming i-improve pa iyong craft namin. Iyon ang plinaplano namin,”pagwawakas niya.
Ang “She Who Must Not Be Named” ay mula sa panulat ni Lawrence Nicodemus at sa direksyon ni Christopher Novabos. Mula sa produksyon ng Solar Entertainment at OH Aye Productions,kasama rin sa supporting cast sina Bobby Andrews, Ruby Ruiz, Raven Rigor, Kych Minemoto, Elijah Aleji, Caleb Ong, Kat Galang at Bernadette Allyson. Palabas na ang kilig movie of the year sa mga piling sinehan simula sa Abril 29

