
ISUMBONG ANG MGA NAGBEBENTA NG OVERPRICED NA BIGAS SA DEPARTMENT OF AGRICULTURE?
Huh?!!! Antagal bago naisip ha!
Eh pagkatapos isumbong ano naman kaya ang gagawin sa kanila ng DA?
Saka di ba kung isusumbong natin ang mga yan…tsk tsk baka po wala nang matirang nagtitinda ng mga bigas sa palengke dahil halos lahat yan ay super taas kung magbenta.
Tagal nang problema niyan.
Dapat diyan tutukan nyo ang pagbabantay.
Bakit ang mga mamamayan ang uutusan ninyo na magsumbong sa inyo tungkol diyan.
Hindi nyo na nga mapababa presyo nyan kami pa pagbabantayin nyo!
Magtrabaho po kayo!
Sobra na ang taas ng mga bilihin di pa rin kayo kumikibo.
Ang mga mamamayan na hinihikayat ninyo na magsumbong sa inyo tungkol sa napakataas na presyo ng bigas ay matagal na pong hindi makahinga sa mataas na presyo ng sibuyas, kamatis, sitawa, bataw at patani.
Lahat po ng gulay sa bahay kubo at hindi kasama sa kantang ‘yan ay napakataas na.
kahapon pati presyo ng kilo ng manok ay tumaas na rin
Kailan ba kakain ng murang mga pansahog ang mga pinoy?
Mas matindi pa nga ngayon ang presyo ng bilihin kaysa noong pandemya.
Pako, alambre, puto, pad paper, ballpen, pamasahe,mga sabon shampoo, kape…kung hindi tinaasan ang presyo pinakonti ang laman…kahit nga mga sitsirya!
Tsk tsk may ginagawa pa ba ang DA at DTI?
Yan ang tunay na problema ng Pilipinas na hindi ninyo magawan ng paraan eh kada eleksyon ay yan ang mga ipinapangako ninyo…pagbabago…pagtulong sa mga mahihirap, bangon…ahon pinoy…LETSE!
Ayan, hihiluhin at lalasingin na naman tayo ng mga pulitiko sa darating na eleksyon.
Ngayon pa lamang ay umaariba na ang kani-kanyang mga pakulo ng mga tinamaan ng lekat.
Nakuuuu…madala naman kayo!
Yun mga pulitikong di naman totoong may malasakit sa taumbayan ay itapon nyo na lang sa kangkungan.
Alam naman ninyo kung sino ang mga ‘yan.
‘Yun mga alanganin na pulitiko…yung wala namang ibang ginawa sa panahon ng kanyang termino kundi puro ALANGANIN at wala namang masasabing magandang nagawa sa kanyang bayan ay patalsikin na lang.
Imbes na magpatuloy ang pagsulong at pag-unlad eh paurong ang nangyari…nakaw dito, nakaw diyan lang ang nangyayari.
Awatin na ninyo…marami pa yang kakaining bigas…at pambili ng maraming bigas. Hak ha hak
Kaya kayo…bantayan ninyo…bantayan ninyo yun bigas na nabili n’yo at baka maging palay!
Sa galing magmadyik ng mga yan…walang imposible!