

TALK SHEET By REGGEE BONOAN
Wagi ang TV host/actor na si Vic Sotto sa hiling niyang ‘petition for writ of habeas data’ laban sa 26-second teaser video na pinost ni Direk Darryl Yap sa kanyang social media platforms.
Matatandaang nagsampa ng kaso si Bossing Vic sa Muntinlupa Regional Trial Court Branch 205 noong Enero 10 ng 19 counts of cyber libel laban sa direktor ng pelikulang ‘The Rapists of Pepsi Paloma’ dahil sa pagbanggit ng pangalan nito sa teaser na pinost niya sa kanyang Facebook account noong Enero 2.
Diretsahan kasing pinangalanan ni Yap si Vic Sotto na umano’y ni-rape si Pepsi na ginagampanan ni Rhed Bustamante.
Sa 20-pahinang decision na may petsang January 24, mula kay Muntinlupa RTC Branch 205 presiding judge Liezel Aquiatan ay inutusan ng korte si Direk Darryl na tanggaling o i-take down ang teaser video ng pelikula sa lahat ng online platforms.
Sobrang saya ng buong pamilya ni bossing Vic lalo na ang asawang si Pauleen Luna-Sotto kaya’t nag-post ito ng larawan nilang pamilya na nagpapasalamat sa kanyang Instagram account kasama na rin ang parte ng dokumentong nag-uutos na tanggalin ang teaser video.
Aniya, “We give thanks to the Lord for this court decision (emoji praying hands)
“The results are in and the outcome is in our favor, confirming that the material released was malicious in nature. We won!
“This victory is for our children and family, and we humbly lift our gratitude to Almighty God.
“Let this be a reminder that our words and actions have great power, and that kindness and integrity should always guide us.
“Please, let us all be mindful and responsible about posting/sharing malicious content about people.
“We urge everyone to act with kindness, integrity, and respect, striving to uplift one another instead of causing harm.”
Samantala, ilan sa nabasa naming komento mula sa netizens sa post ni Pauleen na ngayong nanalo sila ay bakit kailangan pang ipalabas ang pelikulang ‘The Rapist of Pepsi Paloma?’.
“They shouldn’t release the movie; that’s just ridiculous! They need to study the script carefully before shooting. It’s important to consider the impact on everyone involved, especially the family and the trauma it may cause their children. This could potentially affect the kids as they grow up. How come they didn’t see that? That’s why editors exist. That’s terrible!”
“May batas Ang MTRCB kapag may kaso ang pelikula, hindi sya pwedi ipalabas sa cinehan.”
* * * * * * *
Naglabas naman ng reaksyon si Direk Darryl Yap sa kanyang Facebook account tungkol sa desisyon ng korte.
“MENSAHE NG PASASALAMAT
Hindi pa rin po ako maaaring magbigay ng tuwirang pahayag sa usaping legal ngunit nais ko pong ipaabot ang aking pasasalamat sa mga nagpapahayag ng kanilang suporta at nananalangin para sa kapakanan ng pelikula.
“Dahil po sa inyong dasal at pagsubaybay, itinuturing po naming mahalagang balita ang pagkakaroon natin ng legal na pahintulot upang maipalabas ang ating pelikula. Next step naman po namin ay magpa-review sa MTRCB, susunod po tayo sa mga pamantayan kahit gaano ito kabusisi. Maghintay lamang po tayo.
“Sa mga kababayan ko sa abroad na nagnanais na bilhin at ipalabas ang #TROPP sa USA, JAPAN, HK, EUROPE atbp., ‘yan po ay sekondarya lamang sa aming isip sa ngayon, sapagkat prayoridad po ang pagpapalabas sa Pilipinas at sa mga kausap nang streaming platform, gayunpaman, Maraming salamat po sa pagpapahalaga, darating din po tayo dyan.
“Salamat po sa pakiisa at pagtangkilik, parating na po si #PepsiPaloma
#TROPP2025.”