Mga mars at madamers, ready na ba kayo sa isang gabing puno ng bonggang musika at kasiyahan? Eto na nga ang pinakahihintay nating lahat—isang libreng concert hatid ng One Cagayan!
Mangyayari ang lahat ng ito sa February 8, 2025 (Saturday) at
5:00 PM sa Mamba Gymnasium, Lakandula Street, Tuguegarao, Cagayan
At sinu-sino ang papatok sa inyong mga earbuds sa gabing ‘yon ng kasayahan? Walang iba kundi Toni Gonzaga, Piolo Pascual, Alex Gonzaga, at ang Sang’gre star na si Kelvin Miranda!
Walang dudang si Toni Gonzaga ay isa sa mga pinaka-iconic na singer-actress sa bansa. Mula sa kanyang classic hits tulad ng ‘We Belong’ at ‘Catch Me I’m Falling’, siguradong madadala na naman tayo sa kanyang husay at charm sa stage. Hindi lang siya isang mahusay na performer, kundi isang inspirasyon din sa maraming Pilipino.
Huwag nating kalimutan ang ‘Papa P’ ng bayan—ang walang kupas na si Piolo Pascual! Bukod sa pagiging isa sa pinakamahusay na aktor sa industriya, ang kanyang golden voice at charismatic presence ay sapat na para mapaindak at mapakilig ang lahat!
Kung usapang energy at saya, wala nang iba pang mas makakapagbigay niyan kundi si Alex Gonzaga! Kilala sa kanyang hilarious antics at feel-good vibes, siguradong walang dull moment kapag siya na ang nasa stage. Kaya mga dzai, ihanda na ang energy, ha!
At siyempre, bigyan natin ng standing ovation ang isa sa pinakamaiinit na rising stars ngayon. Ang tagapangalaga ng brilyante ng tubig, si Adamus sa Encantadia Chronicles: Sang’gre, walang iba kundi ang Kapuso hunk/ actor na si Kelvin Miranda! May hatid na pa-swoon at pa-chill vibes ang kanyang performance na tiyak na mapapa-‘sana all’ ka na lang sa feels! Hindi lang siya magaling na aktor, kundi isang certified heartthrob at talented performer din.
Grabe at nag-uumapaw ang saya at musika sa One Cagayan! Imagine n’yo mga kaps, pagsasama-samahin sina Toni at Alex Gonzaga, Piolo Pascual at may pa-Kelvin Miranda pa. Iba talaga ang One Cagayan! Bonggacious!
Walang Iwanan, Kita-Kits sa Mamba Gym!
At siyempre, hindi magiging posible ang ganap na ito kung wala ang pagmamahal at suporta nina Gen. Egay Aglipay, Mayor Maila Ting Que, One Cagayan, Diwa Partylist, at Senator Camille Villar. Salamat sa kanilang walang sawang suporta para sa masaya at makulay na Tuguegarao!
Kaya ano na, mga sis? Huwag palampasin ang pinaka-star-studded na gabi ng taon! I-follow, i-like, at i-share na ang One Cagayan page at Randy Sera Ting para sa latest chika at updates!
Save the date—February 8, 2025! Handa na ba kayo? Kita-kits sa Mamba Gym!
‘Yun na!
#ChairmanNgChikahan
#MaritesInChief
#LatikanNa