

NANGGULAT sa showbiz yong lumabas na picture ni Angel Locsin sa social media account ng kanyang husband at businessman na si Mr. Niel Arce, kung saan makikita na ipinagda-drive ng aktres ang kanyang Mister habang nakangiti sa harap ng manibela.
Biro ni Mr. Arce sa kanyang caption ay napakaganda ng kanyang driver. Na totoo naman, dahil makikita sa picture na bukod sa ang ganda-ganda pa rin ni Angel ay pumayat na siya, kumpara sa dati niyang hitsura na ang taba-taba.
Kaya puwede na ulit bumalik si Angel sa pag-aartista kung gugustuhin niya.
Hinihintay talaga sa showbiz ang pagbabalik ni Angel, pero wala pang pahiwatig kung magbabalik-akting na nga siya
Naramdaman talaga ang naging pag-iwas ni Angel sa showbiz, at inirespeto siya ss kanyang hindi ipinaliwanag na mga dahilan.
Kinasasabikan si Angel ng mga taga-showbiz at hinihintay ang kanyang pagbabalik. Dahil hindi lang siya basta artista. Siya ay naging mapakisama, matulungin at napakabuting tao. Hindi siya naging mayabang sa panahon ng kanyang kasikatan, kaya maraming nagmamahal sa kanya sa showbiz.
MARK HERRAS, INSPIRASYON ANG PAMILYA KAYA GUSTONG MAGTRABAHO
MARARAMDAMAN talaga sa mga pananalita ni Mark Herras na masaya siya ngayon sa buhau na mayroong itinataguyod na sariling pamilya, kaya kung mayroon lang maraming pagkakataon na makatanggap ng mga trabaho sa showbiz ay buong sipag niyang gagawin.
Nakakalungkot lang talaga, na dahil na rin sa dami ng mga artista ngayon sa buong showbiz, ganun din sa bakuran ng GMA-7 kung saan talaga nagsimulang sumikat si Mark, ay parang nakakalimutan na siyang bigyan ng project ngayon, kaya nasasabik na rin ang kanyang mga fans ns mapanood siya sa teleserye o pelikula.
Tanggap ni Mark ang sitwasyon na pana-panahon lang ang kasikatan sa showbiz. Pero dahil sa pamilya, ay ayaw niyang mawalan ng pag-asa at sumuko.
Pagkatapos ng matagal na pananahimik ay biglang umingay ang pangalan ni Mark, dahil dalawang beses siyang naging guest performer sa sikat na Apollo Entertainment Bar sa Paranaque. Hindi naghubad si Mark habang sumasayaw tulad ng paggiling ng isang macho dancer.
Nagkatulungan ang Apollo Bar at ang pagsasayaw ni Mark doon, bukod sa umingay ang pangalan ng Kapuso actor, ay lalong sumikat ang Apollo.


