![](https://pinoynewschannel.com/wp-content/uploads/2025/02/Chiz_Escudero_at_Senate_session_9.24.14.webp)
MARIING itinanggi ni Senate President Farncis ” Chiz” Escudero na naghahanda na ngayon ang Senado kaugnay ng balita na diumano’y posibleng pagtanggap ng impeachment complaint laban kay vice-president Sara Duterte-Carpio ng Mataas na Kapulungan.
Ayon kay Escudero, wala umanong nangyayari o ginagawang paghahanda ang Kapulungan tungkol sa umuugong na impeachment na kabaligtaran naman ng lumabas na balita na kung saan ang Senate Secretary na si Renato Bantog diumano’y pinaghahanda na ang staff mebers sa posibleng pagtanggap ng naturang impechment laban kay VP Sara.
Idinagdag pa ni Escudero na ang naging pahayag ng staff ng Senado ay walang awtorisasyon na nagmula sa kanya.
Ang mainit na kaganapan tungkol sa pag-usad ng sinasabing niluluto na hakbang para patalsikin ang pangalawang pangulo ay kinumpirma mismo ng House Secretary General reginald velasco na nagsabing may sapat na bilang umano ang mga mambabatas upang ma-impeach si VP Sara.
Ayon pa kay Velasco, patuloy na nadadagdagan ang bilang ng mga mambabatas na lumagda upang umusad ang nakabinbin na impeachment complaints laban sa bise-presidente.
Kailangan lamang ng 1/3 votes o bilang na 103 na boto upang umusad ang reklamong impeachment pero sa ngayon pa lamang umano ay mahigit na umanong 150 at aakyat pa hanggang 200 na bilang.
Ito ang huling session day ng Kongreso bago mag-break upang bigyang daan ang kampanyahan para sa 2025 mid-term elections.