

MAGANDANG balita para sa mga fans ng dating patok na tambalan nina Judy Ann Santos at Piolo Pascual, ang plano na muli sila pagsamahin sa isang bagong pelikula. Dahil si Ma’m Charo Santos-Concio nga ang nagsasabing mayroon pang kilig para sa mga manonood kung muling magsama sa movie sina Juday at Papa P.
Aba naman! Hindi puwedeng pagdudahan ang malusog na utak ni Ma’m Charo kapag sinabi niyang may kilig pa siyang nararamdaman sa mga magkakatambal sa showbiz. Si Ma’m Charo din ang nagsabi noon, na sina Julia Barretto at Joshua Garcia ay nakakakilig kung muling magsama ss project. Natuloy ang “Un/Happy For You” na kumita sa takilya, huh!
Ilang taon na rin namang pahinga ang loveteam nina Judy Ann at Piolo. Huli silang nagkatambal ay nasa plano pa lang ang pagpapakasal nina Juday at Ryan Agoncillo.
Paulit-ulit na ang mga pagtatangka na muling pagsamahin ang dating magka-loveteam. Pero paulit-ulit ding nabulilyaso ang mga plano. Walang natuloy, dahil pareho namang abala ang dalawa sa personal at magkahiwalay nilang buhay
Hanggang sa nawala na ang mga plano. At dahil hindi nawawala ang posibilidad na magkapareha silang muli, ay pareho din ang katuwiran nila, na darating din ang panahon na magkakasama ulit sila, sa tamang project.
Pursigido muli ang Star Cinema na gumawa ng mga pelikula dahil sunod-sunod ang mga pelikula ng giant movie outfit na pumatok sa takilya, at baka ito na nga yong kinasasabikan ng mga fans na mapanood ang balik-tambalan nina Juday at Piolo.

DANIEL PADILLA, HALATANG MAHAL PA RIN SI KATHRYN BERNARDO
PAGKATAPOS ng matagal na pagtitiis at pananahimik ni Daniel Padilla sa naging masamang epekto sa kanya ng hiwalayan nila ni Kathryn Bernardo, ay gumaganda ang ihip ng hangin sa kanyang movie csreer, dahil sa marami ang pumupuri sa ganda ng teleseryeng “Incognito” ng ABS-CBN na isa siya sa mga bida.
Mahigit isang taon na nagtiis si Daniel sa mga batikos at pambabastos sa kanya ng mga fans, sa personal man o sa social media. Pinagtiisan niya, na dahil sa simpatiya ng publiko kay Kathryn ay para bang napakasama na niyang tao.
Tinanggap lahat ni Daniel ang mga paninisi sa kanya. Mas pinili niyang manahimik, dahil sa mga pagbatikos sa kanya ay idinadamay na ang family nila, lalo na ang kanyang Mommy Karla Estrada. Hindi niya kaya iyon, dahil sobra niyang mahal ang kanyang pamilya na naging inspirasyon niya sa kanyang pagsisikap bilang artista.
Hindi siya nagsalita ng mga puwede pang makasakit sa damdamin ni Kathryn. Nitong huli, pasabog na balita ni Tita Cristy Fermin ay may nagpaparating sa kanya, na si Daniel daw, gamit ang kotse nito ay pumupunta paikot-ikot sa paligid ng lugar na tinitirhan ni Kathryn. Kasunod na nito, diumano’y may nagiging tulay para magkausap sina Kath at DJ!
Si Tita Cristy din ang naunang nagbalita noon sa magaganap na hiwalayan ng Kathniel. Kung totoo na nagkakaroon na ng pag-uusap ang Kathniel ngayon, ay bongga ito. Dahil kahit nagkahiwalay silang dalawa ay hindi sila nagpalitan ng masasakit na salita. Yong mangyari lang na mag-usap sila ngayon, masaya na iyon kahit wala pang pagbabalikan na maganap.
