![](https://pinoynewschannel.com/wp-content/uploads/2025/02/466698474_969254128403642_1917536484626659603_n.jpg)
Sighted si Sue Ramirez na kasama ni Dominic Roque with his group of friends. Ayon sa kibitzers,ang Kapamilya actress daw ang bagong recruit ni Dom sa revitalized version ng Nguya Squad na nabuo ang bonding ay hindi lang sa pagkain kundi pati na sa paglalakbay. Of course, wala na ang original members nito tulad ng KathNiel pero nandoon pa rin sina Khalil Ramos, Gabby Garcia at iba pa.
Sa bagong photo ni Sue na lumabas kasama ang mga barkada ni Dom, almost unanimous ang observation ng mga katkatera at sawsawera kung paano nagge-gel ang aktres sa circle of friends ng ex ni Bea Alonzo. Sey pa nila, pakiramdam nila ay boto ang mga kaibigan ni Dom kay Sue para sa binata. Pati ang sighting kay Sue sa pa-dinner treat ni Judy Ann Santos para kay Kathryn Bernardo ay binigyan ng kahulugan ng pagsang-ayon ng huli sa bagong pinopormahan ni Dom
Ito ang hirit ng mga marisol. “Pansin ko, ang daling maka-adapt ni Sue sa circle of friends ni Dom.” “True. She actually fits Dom’s circle of friends.” “Oo nga. Parang walang kaere-ere lang.” “Pati nga si Kathryn, minamanok si Sue para kay Dom.” “Aprub ba ni Kath ang panliligaw ni Dom kay Sue.” “Baka kinonsulta si Kath kasi they’re the best of friends.” “Kay Sue, what you see is what get. Kaya walang wall o awkwardness.” “Feeling ko rin, si Sue iyong type of friend na di ka maasiwang mag-confide.” “Wala rin siyang hang-ups sa buhay kaya siguro, magkasundo sila ni Dom.” ***
Juday at Marvin, hiniritan ng showdown
Nagbigay ng treat si Judy Ann Santos sa kanyang resto sa tambalang MarJo nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal. Ito ay noong dumalaw ang kilalang love team noong 90s sa magaling na aktres na isa nang matagumpay na restaurateur. Naging nostalgic at masaya naman ang kanilang bonding through kuwentuhan and food. Siyempre, isa sa mga naging usapan nila ay ang masarap na putahe na inihain ni Juday. Sa kanilang reunion, nagbalik-tanaw naman ang kafaneyan dahil sila iyong mga kilalang pop idols noong dekada 90. May kibitzers namang hiniritan na sana raw ay magkaroon ng showdown sa pagluluto sina Juday at Marvin.
Pareho kasing magaling magluto ang dalawa lalo pa’t nag-aral mismo sila ng culinary arts. Katunayan, nagtapos with honors si Juday sa isang prestihiyosong school for gastronomists kamakailan. Si Marvin naman na isang chef ay graduate rin sa isang international school for culinary arts and hotel management. Bukod pa riyan, isa rin siyang negosyante ay nagma-manage ng group of restaurants. Ito naman ang iba’t-ibang reaksyon ng mga kate-katera sa kanilang reunion. “Exciting. Parang throwback lang sa 90s. Na-miss ko ang Gimik.” “Wow. Juday and Marvin. Sana magkaroon sila ng showdown sa pagluluto.” “Oo nga. Di ba pareho silang chef?” “Sino kaya ang mas magaling magluto?” “Kahit anong putahe kakasa sila huwag lang cochinillo.” “Hahaha. Naalalala ko ang cochinillo ni Marvin na inireklamo noon di raw masarap.” Bukod sa Gimik, sina Judy Ann at Marvin ay nagkasama sa toprating ABS-CBN series na “Esperanza.”
![](https://pinoynewschannel.com/wp-content/uploads/2025/02/475919886_1192697212424982_8903213852648274652_n-1024x538.jpg)
![](https://pinoynewschannel.com/wp-content/uploads/2025/02/476119117_1034179808725716_5709573291604122517_n.jpg)