

Hindi na bago sa mundo ng pageantry ang pangarap ng mga kandidata na sumabak sa showbiz. Madalas, matapos nilang magningning sa entablado, sunod nilang target ang pagpasok sa mundo ng telebisyon at pelikula. Kaya naman, hindi kataka-taka na ang mga kandidata ng Miss World Quezon City ay bet na bet rin ang mag-artista!
Sa isang media presentation, proud na inamin ng lahat ng kandidata na open sila sa posibilidad ng pagpasok sa showbiz. Pagkatapos nilang rumampa sa runway, game silang mag-venture sa pag-arte, hosting, at modeling.
Beauty and brains ang lahat ng mga kandidata. Hindi basta-basta ang Miss World QC.
Isa sa mga challenges sa paghahanda ng Miss World QC ay ang hectic na schedule ng mga kandidata, lalo na para sa mga estudyanteng kelangang balansehin ang kanilang pag-aaral at pagsabak sa pageant.
“There are candidates who sacrificed their studies because that’s one of the important things in their life,” ani Jeannie Jarina, National Director ng Miss World QC. “We don’t want them to sacrifice their studies.”
Umaasa rin si Jeannie na susuportahan ng Quezon City government ang patimpalak, lalo’t nagpaplano silang ipakita ang kultura at heritage ng lungsod. “We are very happy to collaborate with them,” aniya.
Mukhang swerte at pinagpala ang Miss World QC dahil dagsa ang sponsors kahit malayo pa ang coronation night sa April 5 sa Novotel Hotel, Araneta Center.
Ang grand winner ay makakatanggap ng P100,000 cash prize, habang P50,000 naman para sa runner-up, at P25,000 para sa mga prinsesa.
Isa sa mga bagong pasok na sponsors ay sina JR Atienza ng BNY Jeans at Harley Manalili, OIC ng New Placenta Kojic.
Meet the Kandidatas!
Primrose Ivy Suarez (20, Barangay Litex Commonwealth)
Ang dalagang ito ay veterinary medicine student sa Cavite State University at isang certified furmom! Advocacy niya ang pagmamahal at proteksyon sa mga hayop. “I want to give my all for the animals and for the world to have a better place to live in,” ani niya.
Cherline Dalangin (23, Barangay Bagbag)
Graduate ng AB Communications sa Ateneo de Manila University, isang scholar at athlete. Mahilig siya sa philosophy at naniniwalang ang pageantry ay may mas malalim na purpose. Advocacy niya ang power of words at ang kakayahan nitong magbigay ng inspirasyon.
Jasmin Rivera Lee (23, Barangay Payatas B)
Third time na niyang sumali sa pageant! Bilang isang nursing student sa FEU, ipinaglalaban niya ang laban ng mga babae kontra diskriminasyon.
Ericka Saldivar (19, Barangay Central Alberta)
Nag-aaral ng International Tourism Management sa Lyceum University. Hindi hadlang ang pagiging hindi mayaman para maabot ang pangarap. Advocacy niya ang pagtulong sa mga bata.
Anabela Solasco (22, Barangay Lupang Pangako Payatas)
Isang Tourism Management student sa National University at aktibong public servant. Naniniwala siyang empowered ang lahat ng kababaihan anuman ang hugis o kulay ng kanilang balat.
Ashley Nicole Fernandez (Barangay Empire Payatas)
Nag-aaral ng Tourism Management sa PUP Open University. Para sa kanya, hindi lang tungkol sa ganda ang pageantry, kundi isang platform para magbigay-inspirasyon at ipaglaban ang diversity.
Shane Denise Ganate (22, Barangay Sto. Cristo)
Isang Electronics Engineering student sa Rizal Technological University. First time niyang sumali sa city-level pageant at gustong bumuo ng community ng empowered women.
Angelika Triumfante (Barangay Novaliches)
May degree sa Education at dati nang sumasali sa pageants mula 16 years old. Tumigil siya dahil sa pandemic pero ngayon, ready na siyang bumalik sa laban!
Asia Rose Simpson (17, Barangay Socorro)
Nag-compete na sa Miss Mexico USA at Miss Teen USA! Para sa kanya, “Anything and everything without purpose is useless.” Advocacy niya ang faith-based empowerment at gustong ipagpatuloy ang pagiging missionary gaya ng kanyang pamilya.
Jalila Maranan (19, Barangay Matandang Balara)
May PWD na kapatid kaya ipinaglalaban niya ang inclusivity at pagtanggap sa lahat ng may kapansanan. Para sa kanya, “The true purpose of pageantry for me is finding your core.”
Who will be the ext Queen?
Sa April 5 malalaman kung sino ang unang Miss World QC! Pero isa lang ang sigurado—lahat ng kandidata ay may kanya-kanyang bongga at meaningful na advocacy na pwedeng magdala sa kanila hindi lang sa mundo ng beauty pageants kundi pati sa showbiz at public service!
Abangan kung sino ang magtatagumpay at magiging bagong mukha ng Quezon City!
