
EXCITED ang tinaguriang Revival King na si Jojo Mendrez nang humarap sa media matapos ang ilang panahong namahinga siya.
May panibago na naman kasi siyang kanta’ng matagal na rin niyang gusto’ng iparinig sa madla. Bata pa lang siya ay napalapit na sa puso niya ang awiting ito.
Ito ang kanta ng pumaimbulog sa serye’ng ‘Annaliza’ ng GMA-7 na si Julie Vega, ang ‘Somewhere in My Past’. Papunta na sana sa pagiging recording artist niya si Julie pero sinamang-palad na namayapa ito.
Decades later, eto na. Nakausap ni Jojo ang sumulat ng awitin na si Mon del Rosario kaya imayos ang proseso ng pagre-revive nito.
Ilan sa mga awiting muling binigyang-buhay ni Jojo ay ang ‘Tuyo Ng Damdamin’ ng APO Hiking Society; ‘Magkabila’ng Mundo’ ni Jireh Lim; ‘Sana’ at ‘Handog’ ni Florante. Na ang huli ay nabigyan ng parangal ng PMPC Star Awards for Music noong 2018.
Naitampok sa programa’ng ‘Rated K’ ni Korina Sanchez ang life story ni Jojo Mendrez. Kung saan tumambad ang pinagmulan ni Jojo na nagtitinda sa palengke ng sari-sari’ng bagay gaya ng sigarilyo sa bayan nila sa Lucena sa lalawigan ng Quezon.
Maliit pa lang siya, tulung-tulong na sila ng mga kapatid niya sa maliit na negosyo’ng handicraft. Taga-bilang siya ng mga pinatutuyong dahon ng buri palm (tingting) na siyang ginagawang mga basket at sambalilo.
Sampung taon’g gulang. Pero marubdob na ang pangarap na sumampa sa entablado at pakawalan ang pangarap na umawit. Amateur contest sa Pitogo, Quezon. ‘Yung bata’ng ‘yun, kumanta ng ‘Mr. DJ’ ni Rey Valera. Talo! Pero may pakimkim naman na dalawang daan piso.
Naranasan din niya at ng pamilya na mapalayas sa kanilang inuupahang bahay ng kanilang kamag-anak.
Sa isip ng isang nagbibinata na, ‘yun ang nagtulak sa kanya para ipangako sa sarili na magiging mayaman siya balang araw at ibibili ng bahay ang pamilya niya.
Sinagot ng Panginoon ang mga dasal niya. Napasok sa real estate. At ‘yun ang naging daan para milyon na ang kitain niya. At itinuloy ang na isa-isangtabing pangarap, ang pagkanta.
Eto na siya. Pero teka. Ang pananagumpay eh may kakambal na intriga. Lalo na sa showbiz.
May eksena ‘yung kontrobersyal na Mark Herras. Na nakunang kasama niya sa isang sikat na hotel kamakailan.
Hindi na sinasagot ni Jojo ‘yung isyu kahit pa paulit-ulit na tinanong sa kanyang media conference ito. Umamin man daw siya o hindi, papaniwalaan ng tao ang gusto nilang paniwalaan.
Okay na. Kinanta niya ang orihinal na komposisyon ni Jonathan Manalo ng Star Music PH na ‘Nandito Lang Ako’. Mapapakinggan na ang nasabing awitin sa lahat ng digital music platforms. Pumirma na rin siya ng kontrata sa nasabing label.
Hindi na natuloy ang mediacon dahil sa biglaang pagsama ng pakiramdam ni Jojo.
Kalaunan, nalaman ng lahat na sumulpot pala ang diumano’y nakainom pa na si Mark Herras.
Pinabubulaanan na nga ni Jojo ang nga isyu sa kanila. Eto’t nagsilbi siyang panggulo sa napaka-bongga pa manding handog ni Jojo para sa press lalo na sa mga kaibigang matagal ng hindi nakita.
But just the same, hindi naman dapat palampasin ang nagsusumigaw na 45 million plus views na natamo na ng awitin niyang ‘Somewhere in my Past’ across all social media uploads.
Nabuhay na muli ang isang napakagandang awitin na siguradong gigising na muli sa saglit na humimbing na karera ni Jojo.
There is a time and reason for everything.
