
Akala nang marami ay naka-jackpot si actress nang mapangasawa niya ang isang pulitiko. Nag-iba na rin kasi ang mundo ng aktres mula nang maging politician’s wife. Nag-evolve ba rin si actress at iba na ang circle of friends. Katunayan, marami ang naiinggit sa aktres dahil good provider naman ang kanyang naging mister.
Sa kanyang edad, masasabi pa ring grasyosa pa rin si actress. Pero, may katotohanan nga yatang minsan “your world gets smaller everyday” and somewhere down the road, puwede kang matapilok. May kumalat kasing balitang nakabuntis ang kanyang kabiyak sa isa nitong staff.
Pero ang di raw ma-take ni actress, ang nabuntis daw ng hubby niya ay hamak na very plain-looking kumpara sa kanya. Para raw kasing pinagsakluban ng langit at lupa si aktres nang makumpirma niya na totoo ang tsika sa kanyang mister. Sa ngayon daw, grounded daw si husband kay actress.
Ang dagdag na tsika, nag-hire raw ng private investigator si actress para tiktikan si mister na diumano’y malikot din sa aparato. Sinech ang aktres na ito?