

May ipinakalat na ‘fake news’ ang ilang vloggers noon na diumanoý nabuntis ni Vico Sotto si Atasha, ang babaeng anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales. Nakapanayam din noon si Ogie Diaz ang “Eat Bulaga” host tungkol sa nasabing isyu. May tsika pang nadagdag na diumanoý binigyan daw si Atasha ng engagement ring para pakasalan at panagutan. May bersyon pang botong-boto o gustong-gusto raw ni Aga Muhlach, tatay ni Atasha, si Mayor Vico para sa TV host. Sey naman ni Atasha, siya man ay nagtataka at nagugulat sa mga balitang naglalabasan na nag-uugnay sa kanila ni Mayor Vico.
Katunayan, may mga delulu na ring shippers ng kanilang tandem. Pero sa totoo lang ay hindi pa raw niya nakikita nang personal ng dalaga ang nasabing mayor ng isang lungsod sa Metro Manila, bagama’t ang tatay nitong si Vic Sotto ay nakakasama na niya sa Eat Bulaga. Sa paglilibot naman ni Vico sa kanyang constituents, isa namang babaeng marisol ang nang-urot sa kanya tungkol kay Atasha at maging sa padir nitong si Aga na sighted sa isang video.
Hirit ng tsismosa, dyowa raw ni Vico si Atasha na anak ni Aga. Idinenay naman ito ng mayor at sinabing hindi raw niya kilala ang dalawa. Ito naman ang samu’t-saring reaksyon ng netizens sa pagmamahadera ng naturang babae kay Vico. “Ang cute ng pagkaka deny nya” “halatang medyo nainis si Vico” “Girlfriend mo daw kasi yun Mayor Vico. Marunong ka pa kay Nanay eh. Hahaha” “Hindi ko kilala yun.Aguy hahaha” “ahahahahahahahahahaha! na DaWho tuloy si Tash.” “mapilit kasi si Nanay…. baka makumbinse sya ng wala sa oras!


” “May boyfriend si Atasha. And it’s not him.” “Girlfriend mo yun eh!” taray ni nanay oh mas magaling pa kay Mayor HAHAHHASJJSHA “Mader bata pa si Atasha! Kay Gretchen Ho nalang po.

” “Hahaha marites si nanay! yung lalapitan mo yung mayor nyo kasi mas problemado ka sa love life nya kesa sa kanya” “Aling Mila awat na po hahaha” “nako nanay lagot ka kay gretchen nyan”
