MAKARAANG ihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang desisyon na i-veto ang anti-teenage pregnancy bill, pitong senador ang nagbawi ng suporta sa panukala.
Kabilang sa mga umatras sina Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada, Senators Loren Legarda, Bong Revilla Jr., Bong Go, JV Ejercito, Cynthia Villar, at Nancy Binay.
Nauna nang nagpahayag ng pag-aalala ang Pangulo ukol sa ilang probisyon ng panukalang “sex education bill,” na naglalayong pigilan ang teenage pregnancy.
“Nabigla ako at nabahala sa ilang bahagi ng [SB 1979]. Lahat ng ‘woke’ attitude na pilit nilang isinasama sa ating sistema,” ayon sa ulat na pahayag ng Pangulo.
Binanggit din ng Pangulo na hindi dapat ituro ang “masturbation” sa mga batang kasing edad ng apat na taong gulang.
“You will teach 4-year-olds how to masturbate. That every child has the right to try different sexualities. This is ridiculous. It is abhorrent. It is a travesty of what sexual [orientation] and sex education should be to children,” aniya.
Samantala, sinabi naman ni Revilla na bagamat mahalagang tugunan ang isyu ng teenage pregnancy, kailangang baguhin at pinuhin ang panukala upang maging naaayon sa interes ng mamamayan.