
NAPAPAILING na lang ang kapwa artista’t mga kakilala ng isang dating sikat na sexy actor sa showbiz. Bigla na lang kasi siyang nang-aabala sa pamamagitan ng text at mas madalas ay sa messenger, para makiusap, mangutang at manghingi ng pera mula sa halagang 300, 500 pataas.
Nalulong sa drugs ang dating guwapong aktor, kaya nagbago at napabayaan ang kanyang hitsura, kaya hindi na siya kinukuha sa pelikula o teleserye. Hindi na siya mukhang artista kahit gusto pa rin niyang mag-artista.
Maganda ang lifestory ng dating sexy actor. Interesado ang isang programa sa telebisyon na i-guest siya para interbyuhin tungkol sa kanyang buhay. Na ang magiging honorarium ay 10 Thousand pesos.
Nawindang ang staff ng programa. Ayaw ng dating sexy actor magpainterbyu. Basta ayaw, kahit may 10K na honorarium. Nakikiusap na lang daw siya na bigyan siya ng 300 pesos, dahil wala siyang kapera-pera.
Tama bang katuwiran yon?