




Well, Well, Well… after ng dalawang dekadang puno ng halimuyak ng mahika, legacy, at pagmamahalan, muling magbabalik ang pinakapinagpistahang fantaserye ng GMA Network, ang ‘Encantadia’. Pero this time, bonggacious na to the next level ang peg with ‘Encantadia Chronicles: Sang’gre’, ang pinakabagong chapter ng epic na kwento, na magpapasabog sa telebabad simula Hunyo 16, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 PM sa GMA Prime at GMA Kapuso Stream, at sa buong mundo via GMA Pinoy TV.
Si Bianca Umali, ang binansagang Prime Gem ng GMA, ang bibida bilang Terra — ang bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Lupa. Anak siya ni Sang’gre Danaya at ng mortal na si Theo, at lumaki sa human realm bilang isang mysterious masked heroine na kilala sa alyas na ‘Sang’gre’. Pero hindi siya makakatakas sa kanyang kapalaran, at sa huli’y magbabalik sa mahiwagang mundo ng Encantadia para yakapin ang kanyang tunay na pagkatao at makipaglaban sa piling ng mga bagong kaalyado.
Joining the fantasy fight club ay ang mga fresh but fierce warriors. Faith da Silva bilang Sang’gre Flamarra – ang fierce at maalab na tagapangalaga ng Brilyante ng Apoy. Angel Guardian bilang Deia, ang kindhearted at loyal na tagapangalaga ng Brilyante ng Hangin at mula sa Mine-ave. Though hindi siya royal by birth, she rises to the challenge bilang honorary Sang’gre.
Ang Kapuso prime hunk actor na si Kelvin Miranda bilang Sang’gre Adamus, ang chill but charming protector ng Brilyante ng Tubig — na ipinanganak mula Lireo at Adamya. Calm sa labas pero tunay na brave sa loob.
Hindi lang basta role ang kay Kelvin Miranda. Sa kanyang puso, ito ay katuparan ng isang childhood dream, isang bonggang milestone sa kanyang journey bilang isang aktor. Sa pasasalamat niya sa mga nauna, Kelvin shared.
“Gusto ko lang din po magpasalamat sa mga naunang mga Sang’gre, na kung hindi dahil sa inyo, hindi kami matututo. Hindi kami magiging matapang para gampanan ang aming mga tungkulin.”
At sa personal niyang paglago, ibinahagi rin niya:
“Napakarami kong natutunan sa show na ito na naging inspirasyon sa akin sa aking personal na buhay na lalong nagpatibay sa akin.”
O diba? Power with feels ang peg ni Adamus — strength and sensitivity in one magical package.
Pero sa bawat bida, may kontrabida! At dito papasok si Rhian Ramos bilang Mitena, ang chill pero deadly na bagong Hara ng Lireo. Taglay niya ang kapangyarihan ng yelo’t galit na kayang yumanig sa buong Encantadia. Mula sa mahiwagang lupain ng Mine-a-ve, ang kanyang paghihiganti ang magpapasimula ng malaking threat sa balance ng kaharian. Keri kaya nina Terra, Flamarra, Deia, at Adamus ang ka-eklatang ito?
At para lalong magpabongga, nagbalik ang mga OG Sang’gres!
Sa pangunguna ni Glaiza de Castro as Pirena, Kylie Padilla as Amihan, Sanya Lopez as Danaya at Gabbi Garcia as Alena.
Ang kanilang pagbabalik ay tulay ng nakaraan at kasalukuyan — pagpupugay sa alamat na nagsimula halos dalawang dekada na ang nakaraan.
Sa Sang’gre, nagtatagpo ang mundo ng tao at ng Encantadia. Makikilala rin natin ang mga karakter mula human realm na ginagampanan nina Manilyn Reynes, Ricky Davao (+), Benjie Paras, Sherilyn Reyes-Tan, Martin del Rosario, Therese Malvar, Matt Lozano, at marami pang iba.
Samantala, sa mundo ng Mine-a-ve, dagdag sa kwento ang mga karakter nina Gabby Eigenmann, Bianca Manalo, Jon Lucas, Jamie Wilson, at mga bagong mukhang dagdag spice sa kwento.
Ang creative powerhouse sa likod ng bagong kabanatang ito ay binubuo nina Aloy Adlawan as Creative Director, Pambansang Alagad ng Sining na si Ricky Lee bilang Content Consultant, Suzette Doctolero as Creative Consultant
at sina Rico Gutierrez at Enzo Williams bilang mga bagong directors na nag-take over sa fantaserye na ito.
Produced by GMA Entertainment Group sa pamumuno nina Cheryl Ching-Sy, Ali Nokom-Dedicatoria, Camille Hermoso-Hafezan, at Winnie Holis-Reyes — dalawang taon nilang binuo ang fantaseryeng ito, punong-puno ng effort at ganap.
Sabi nga ni Bianca Umali:
“Dalawang taon po na ibinuhos namin ang lahat ng paghahanda namin at ng oras namin, just to make everyone proud.”
At sa dalawang taon na ‘yon, nabuo rin ang solid sister and brotherhood among the Sang’gres. Sa pasasalamat ni Faith da Silva,
“Gusto ko lang magpasalamat sa mga nakasama ko bilang mga Sang’gre. Kay Deia (Angel Guardian), Terra (Bianca Umali) at Adamus (Kelvin Miranda). Maraming salamat kase kasama ko kayo sa buong journey na ito.”
Hindi rin mapigilan ni Angel Guardian ang pa-emote moment,
“Hanggang ngayon, napaka-surreal pa rin sa akin ng buong pangyayaring ito. Sobrang natupad ‘yung childhood dream ko.”
‘Encantadia Chronicles: Sang’gre’ ay hindi lamang basta sequel. Isa itong reawakening ng isang cultural legacy — isang paalala ng kahalagahan ng kapangyarihan, pamilya, at paninindigan.
With kembot-worthy visuals, plot twists na mas matindi pa sa shampoo commercial, at mga karakter na may laban at lalim, muling binubuksan ang pintuan ng mundo ng Encantadia — para sa mga dati nang fan, at sa mga bagong mananampalataya ng mahika.
‘Encantadia Chronicles: Sang’gre’ — simula na ng bagong alamat.
Don’t miss it, mga nini. The magic begins again.
‘Yun na!
