

MATAPOS na muling matambakan sa unang dalawa’t kalahating bahagi ng Game 4 ng kanilang best-of-seven semifinal series sa Eastern Conference, 121-113 ay gumawa ng pambihirang mga laro sina Jalen Brunsun at Karl Anthony Towns sa third quarter at binura ang malalalim na pukol ni Jason Tatum mula sa rainbow territory at kinuha ang panalo, at iniangat ang koponan sa 3-1 panalo-talong baraha.
Dahil dito ay nangangailangan na lamang ng isang panalo ang Knicks sa natitirang tatlong laro upang pormal na makuha ang unang finals slot sa Eastern Conference na halos 25 taon nilang hindi natapakan.
Ang Knicks ay halos hindi makahinga sa sa kahanga-hangang opensa na ipinamalas ng Celtics sa pangunguna ni Tatum na halos hindi na sumasayad sa net ng basket ang mga malalayong pukol niya ng tres at ang pananalasa nila ay maagang ipinaramdam sa first quarter kung saan tinapos nila ang yugto sa 39-28.
Nanatili ang bangis ng opensa sa kabuuan ng second quarter at ang mga tangkang paglapit ng Knicks ay hindi nagiging matagumpay hanggang sa kinasihan na rin ng swerte sina Brunsun at Towns na nagsanib puwersa sa kanilang nakakagulat na paghahabol sa third quarter.
Si Brunsun ay kumamada ng 39 points at 12 rebounds at buong tikas na nakipagpalitan ng buslo kay Tatum katulong ang nag-halimaw na si Towns upang maagaw ang kalamangan sa unang bahagi ng second half.
Ang final quarter ay naging mas mainit sa panig ng Knicks dahil kahit patuloy ang pagpapaulan ni Tatum ng puntos mula sa labas ay sinabayan ito nina Brunsun at OG Anunoby at Towns upang manatiling angat hanggang sa pagtatapos ng laro.
Si Tatum bago nailabas sa laro sanhi ng posibleng severe right leg injury ay gumawa ng 42 points at nanganganib pang hindi makalaro sa importanteng laban sa Game 5.
Ngayon ay nasa bingit na sila ng pagkapatalsik sa kontensyon sakali at mabigo pang muli sa Game 5 kung saan iisa pa lamang koponan, ang Denver Nuggets ay ginawa ito ng dalawang ulit para makabalik mula sa ilalim ng 3-1 sa playoffs sa Walt Disney World noong 2020.