Mula sa kaibigan at very close family friend ni Kris Aquino na si Darla Sauler, nagpahiwatig ang close friend ng TV host na nagbabadya na raw ang comeback ng Queen of All Media na si Kris Aquino sa telebisyon.
Hindi pa binanggit ni Darla kung saang network, pero maugong ang tsismis na baka sa ABS CBN ito matuloy. Pawang mga taga-ABS-CBN ang mga nakakausap ng TV host nitong mga nakaraang araw.
Bukod kay Darla, may mga production staff ng Kapamilya network na nagsusulong kay Kris na balikan ang hosting ngayong nakikita nilang into recovery na nga si Krissy after almost a year of treatments sa US for her autoimmune condition.
Lahat nito at iba pang mga detalye sa pagbabalik-trabaho ni Kris ay napag-usapan sa isang dinner with Kris and her son, Bimby. Sinabi pa ni Bimby na excited silang mag-ina that finally mabubuhay muli ang talk show kung saan nakilala si Kris.
Bagama’t tikom sa ilang detalye tungkol sa balik-tv ni Kris, the actress-host hinted that a new show is set to premier sa early months of 2025.
Nauna pa rito, Kris thanked her former Kapamilya bosses, President Carlo Katigbak, CEO Cory Vidanes for supporting her project.
According to Darla, aside from Kris and her guests, magiging co-host ni Kris ang anak nitong si Bimby.
*******
Pinalagan ng singer-composer na si Ice Seguerra ang patuloy pa ring pagkukumpara sa kanya at ang transgender singer na si Chariz Pempengco na kilala ngayon bilang si Jake Zyrus.
Sa mediacon ng ‘Love, Sessionistas’ concert kamakailan, nagbigay ng kanyang komento at saloobin si Ice (dating Aiza). “Ako, I honestly wish that people would stop comparing me with Jake. Kasi, okay we’re both trans, pero hindi porke’t pareho kaming trans, pareho din kami ng journey. Iba-iba ang tao. Iba-iba ang journey natin. At iba-iba rin ang pinagdaraanan at pupuntahan natin,” pahayag ni Ice.
Ipinunto rin ni Ice ang importance of respecting their individual journeys. “I have my own journey, and he has his own journey. Stop comparing us. Hindi makakatulong yun,” pakiusap niya.
“Kumbaga tigilan na natin ‘yan. Let Jake be Jake, di ba? Kung saan siya masaya, we’re just here to support him,” pagtatapos ni Ice.*******