IPINAG-UTOS ng Supreme Court sa Kongreso at Malakanyang na magbigay ng komento kaugnay sa inihaing petisyon na kumukuwest’yon sa Republic Act 12116 o ang General Appropriations Act of 2025 at binibigyan lamang sila ng palugit na 10 non-extendable days matapos na kanilang matanggap ang naturang notice upang magkomento ukol dito.
Batay sa naging pahayag ng Public Information Office ng Mataas na Hukuman, inuutusan nito ang executive at legislative branches na kinakatawan nina Executive Secretary Lucas Bersamin, Senate President Chiz Escudero at House Speaker Martin Romualdez upang sagutin ang nabanggit na petisyon sa loob lamang ng sampung araw.