Maraming kafaneyan noon ang nag-aasam na sa tunay na buhay ay magkatuluyan sina Marvin Agustin at Jolina Magdangal. Aminado naman kasi si Marvin na muntik na siyang ma-fall sa kanyang love team partner. Bukod kasi sa gamay na niyang katrabaho si Jolina ay best friends din sila in real life. Katunayan, noon daw ikinasal si Jolina sa mister nitong si Mark Escueta noong 2011 ay personal siyang inimbitahan ng screen partner.
Ito rin ang naging pagtatapat niya nang maging panauhin siya sa vlog ni Karen Davila. Gayunpaman, sinadya raw niyang huwag dumalo sa pagtitipon dahil ayaw niyang maging emosyonal. “I actually chose really not to go to her wedding. It was really my decision not to go even in-invite talaga ko ni Jolina,” aniya. “I wanted to respect yung ceremony. Kasi masyado yung clamor nun ng tao na kami yung magkatuluyan, [na] ‘sana kayo,” dugtong niya. Hirit pa niya, ayaw din daw niyang ma-spoil ang event. “Wedding yun ni Mark at tsaka ni Jolina. Pag pumunta ko dun, baka ma-teary eyed ako, eh sobrang saya ko para sa kanila. Baka isipin nila, ang lungkot ko, maging negative yung energy pa,” ani Marvin.
“I don’t want to steal an inch or a little whatever moment that you know, for the couple supposedly,” pahabol niya. Balik-tambalan sina Marvin at Jolina sa pelikulang “Ex Ex Lovers” na palabas na sa Pebrero 12 sa mga sinehan sa buong bansa. Ang Valentine offering na ito na mula sa direksyon ni JP Habac ay iprinudyus ng Project 8 Projects at Cornerstone Studios. at idini-distribute ng Warner Brothers. Kasama rin sa cast sina JK Labajo at Loisa Andalio.