
SI Donovan Mitchel ay laging naroon kapag kailangan ng puntos ng Cleveland Cavaliers sa Game 3 at ang bawat pukol sa kahit anong posisyon ay nagresulta ng mabuti upang makaalagwa sa kanilang unang panalo sa serye kontra sa Indiana Pacers ,126-104 na nagdikit sa kanila sa isang agwat lamang na panalo para makatabla (2-1) sa pagpapatuloy ng isa pang laro sa semifinal round ng Eastern Conference ng National Basketball Association (NBA).
Si Mitchel ay kumamada ng makapal na 43 puntos at 9 rebounds sa Game 3 kung saan nagawa niya sa ikalawang pagkakataon na makagawa ng may 40 points sa serye at ang matinding effort upang mahamig ng kanyang koponan ang mahalagang panalo kung saan lagi siyang naroon sa bawat lugar na kailangan siya.
Nakatulong naman ng malaki ang pagbabalik ng ilan pang key players ng Cavs na pawang galing sa pagpapagaling ng kani-kanilang mga injuries na kinabibilangan nina Evan Mobley, Darius Garland at De Andre Hunter na nag-ambag din para sa kanilang panalo.
Isa sa naging malaking susi sa panalo ng Cavaliers ay ang kanilang naging bentahe sa rebounding kung saan kumalawit sila ng 14 offensive rebounds at nakapagtala ng nakakalulang 39 rebounds kontra sa 21 rebounds ng Pacers.
Sa isa pang laro, dinurog naman ng Denver Nuggets ang Oklahoma City Thunder sa Game 3 ng kanilang Western Conference semifinal round, 113-104. Angat ngayon ang Nuggets (2-1) sa kanilang serye.