Talk of the town ang bagong seryeng ‘Incognito’ na ipinalalabas sa Kapamilya channel free TV, A2Z, TV5, iWantTFC at Netflix kung saan ito number one ngayong linggo.
Ang lalaki kasi ng mga bidang artista sa nasabing serye, tulad nina Richard Gutierrez, Ian Veneracion, Kaila Estrada, Anthony Jennings, Baron Geisler at Daniel Padilla. Sila palang ang napanood sa 5 episodes ng ‘Incognito’ dahil si Maris Racal ay sa ikatlong linggo pa lalabas.
Sa unang episode palang ng serye ay nagpatikim na agad ng hard action ang nasabing series na talagang uuwing duguan ang mga nabanggit na bida kung hindi sila nag-aral at nag-rehearse ng iba’t ibang klase ng martial arts.
Shempre, hindi rin papakabog ang supporting cast led by Raymond Bagatsing, Eric Eruption Tai, Dino Imperial, Ryan Eigenmann, Elijah Canlas, Agot Isidro, Antonio Aquitania, Polo Ravales, Cris Villanueva, Art Acuna, Malou de Guzman, Bembol Roco, Jestoni Alarcon at Jane de Leon. Guest cast naman sina Belle Mariano at Aljur Abrenica.
Speaking of Aljur, wala sa credits ng nasabing serye ang pangalan niya kaya may mga netizens na umalma. Marahil ay mga supporters niya at nagtatanong kung bakit hindi man lang nasama ang pangalan ng aktor kahit na namatay kaagad ang karakter niya sa unang episode palang.
Kaagad naming tumalima ang Star Creatives at Studio Three Sixty na producers ng ‘Incognito’ dahil naisama na ang pangalan ni Aljur sa credits.
Masarap panoorin ang seryeng ‘Incognito’ dahil sa locations na kinunan sa tuktok ng Atok, Benguet na pawang green ang makikita at ang napakagandang El Nido, Palawan na laging pinupuntahan ng mga foreigner at pinagsyu-syutingan din ng foreign films. Ang sossy ng cast kase para kaming nanonood ng movie series na ‘Oceans’ (11, 12 at 13). Hindi kasama ang ‘Oceans 8’ dahil pawang babae ang mga bida doon.
Puring-puri ni Eric Eruption Tai ang aktres na si Belle Mariano at ginawa pa niyang Facebook profile picture ang kuhang sinasakal niya ito na may caption na, “Pasensya po, trabaho lang. ‘Incognito’ #1 on NETFLIX Nationwide!”
“Fyi: Belle is probably one of our best young actresses today! It is indeed a privilege to be working alongside her. And don’t worry, Belinda and I, we cool as cool. Trabaho lang po. We will do our best to fulfill our roles and characters para sa inyong lahat! Enjoy po! Salamuch!,” dagdag pa niya.
Xxxxxx
Agaw pansin sa social media ang aktres na si Rhian Ramos dahil pinost niyang nagbe-bake siyang naka-bikini lang.
Caption ni Rhian sa post niya, “5 years ago, my obsession for the perfect chocolate chip cookie began. For the first time ever, I’ve decided to make them available to the public.”
Nilagay din ng aktres ang website kung saan puwedeng umorder ang mga gustong matikman ang baked cookies niya.
Aliw naman ang mga nabasa naming komento mula sa netizens at sina Isabelle Daza at Iza Calzado.
“Ah ganito pala dapat mag bake! Seriously, your cookies are, “say ni Iza.
“Umm..Rhian where’s the cookie i wanna see it,” mula kay Isabelle.
Nagbiro naman ang netizen na isa rin palang baker, “Sabi ko na kaya hindi masarap ang cookies ko. Di ganito outfit ko.”
“Ang init-init mag-bake pero mas nagpapainit si Rhian,” say pa ng isa.
Actually, nag-post na rin pala si Rhian na naka-bikini siya habang nagbi-bake noon pang 2021 kung saan nagsimula siyang gumawa ng cookies.