
SOBRANG lamig na ng hangin tuwing madaling araw at amoy pasko na ang simoy nito habang nalalapit ang pagsisimula ng tradisyunal na simbang gabi na magsisimula sa Disyembre 16.
Kapag ganitong mga panahon ay nagbabalik ang pakiramdam na parang kahapon lang ay sing edad lang natin ang ating mga anak.
Masarap kasing maging bata o mas bata kapag ganitong mga panahon.
Una sa mga rason o dahilan ay sila itong mga madalas na may malaking pakinabang kapag ganitong panahon na ng kapaskuhan.
At sa haba ng pagdiriwang o selebrasyon ng mga pinoy sa christmas season ay talagang jackpot ang mga bata at mga tinedyer dahil bukod sa sila ang may matikas na lisensya para makapamasko at tumanggap ng mga regalo at cash ay sila pa rin ang unli ang paggala at paghahanap ng mga magagandang lugar para gumimik.
Nakakainggit talaga!
At habang pinagmamasdan natin ang masasayang grupo ng mga kabataan ay di natin maiwasan na balikan ang alaala noong tayo ay “SILA.”
At pagkatapos kong magbalik alaala ay bigla na lamang akong napapailing ng di ko alam.
Iba pala…naisip ko!
Iba pala noon at ngayon.
Napakalaking pagkakaiba.
Walang celpon…walang computer…yung mall konti lang…at noon ay mahirap mag meet ng tama sa oras kung may jowa ka kasi di mo siya makokontak agad.
In short noon ay mahirap takasan ng mga kabataan ang kanilang mga magulang para gumimik o makipag-date.
Eh ngayon…aba isang chat lang o isang text o tawag lang sa celpon ay tiyak na alam na ni ATE kung saan naghihintay si KUYA!
Kaya ngayon ay hulaan ninyo kung nasaan ako habang nagmumuni-muni at nagsusulat.
Hmmmnnn tama ka…andto ako sa may balkonahe sa labas.
Nasa akin ang susi ng pintuan sa likod ng bahay at kung may lalabas galing sa loob ng bahay ay siguradong dito sa harap ng upuan ko dadaan.
O, ngayon…naisip ko na wala naman palang pagkakaiba noon at ngayon.
Kahit walang computer, walang celpon at walang internet noon at mayroon ngayon ay may isang bagay na nananatili…mahusay magbantay ng kanilang mga anak ang mga matitino at nagmamahal na magulang!
Hahaha Meri Xmas!
OOOO00000OOOOO
Yung mga pergalan sa mga lalawigan ng Cavite at Laguna ay naglipana sabi ni Pareng Fred.
Putsa, anong ginagawa ng mga masisipag at tapat kuno na mga hanay ng kapulisan sa mga lalawigan na yan.
Sabi nung poste ng isang peryaan diyan ay nagbibigay daw naman pala kasi sila kaya hindi sila inaabala at nire raid ng PNP.
Yun matatapang at matitibay na PD ng Laguna at Cavite…tsk tsk yung mga hepe n’yo napapabayaan na daw po yata ang kanilang mga area. Pakisilip po, mga Sir!
Sa susunod, iisa-isahin natin ang pergalan ng mga hinayupak na yan!
(Para sa suhestiyon at mga reklamo mag-text o tumawag sa 0950 151 1929.)