IT’S SHOWTIME 11TH YEAR ANNIVERSARY, MAY LUNGKOT PERO TULOY ANG SAYA!

WATCH: It's Showtime family celebrates rebirth on their 11th anniversary |  ABS-CBN Entertainment
It's Showtime's tweet - "#ShowtimeMagpasikat2020 11th ANNIVERSARY Sabado  celebration kasama ang Showtime family! " - Trendsmap
Maraming agam-agam ang naramdaman ng mga bumubuo ng programang It’s Showtime patungkol sa kanilang Anibersaryo ngayong taon pagkakaroon ng pandemya ng Covid-19 dagdag pa ang pagsasara ng Kapamilya network.

Kaya naman walang hanggang pasasalamat ang nararamdaman ng mga host at pagpapakita ng determinasyong pasayahin ang kanilang mga tagahanga sapamamagitan isang touching video sa opening ng kanilang matagumpay na 11th Year Anniversary celebration kahapon Oktubre 31.

Makikita sa video clip ang paggunita ng mga host ng sakit na kanilang naranasan sa pagakwala sa ere dahil sa Covid-19 na sinundan pa ng pagsasara ng istasyon.

“Hindi maganda iyong pakiramdam ko nu’ng mga pagkakataon na iyon,”

“Pinipilit kong tumawa pero durog na durog iyong puso ko.”

“Namatay ako for a time pero ngayon nabuhay ulit ako. At iyong buhay ko [ngayon ay] punong-puno ng pag-asa,” ayon kay Vice Ganda.

Muling napapanuod ang It’s Showtime sa free TV bilang block timer sa Zoe Broadcasting Network na ngayon ay channel A2Z.

“Better days are staring to come,”

“Ang sarap kasi buhay na buhay nanaman kami. Buhay ng gulong ay umiikot. Galing tayo doon [sa ibaba] eh kaya maraming magandang mangyayari.” pagtatapos ng komedyante.
ReplyForward

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *