KAHAPON araw ng Sabado, October 31, 2020 kinumpirma ng anak na lalaki ni Sean Connery ang pagpanaw ng ama sa edad na 90.
Bagamat hindi tinukoy ang dahilan ng kanyang pagkamatay, iniulat ng international news agencies na sumakabilang buhay ang aktor habang siya ay natutulog sa kanyang tahanan sa bahamas.
Nagsimula siya bilang extra sa mga pelikula taong 1950’s bago nakilala sa international scene bilang isang secret agent na si James Bond.
Bukod sa pagiging Best Supporting Actor sa Oscars noong 1987, taong 2000 naman ng ginawaran siya ng knighthood ni Queen Elizabeth II.
Bukod sa mga pelikulang James Bond 007 nagaing bahagi din si Sean ng ilang pelikulang tulad ng Indiana Jones and the Last Crusade (1989), The Hunt for Red October (1990), Robin Hood: Prince of Thieves (1991), First Knight (1995), The Rock (1996), The Avengers (1998), at The League of Extraordinary Gentlemen (2003).
Nagretiro ang British actor matpos tanggapin ang Lifetime Achievement Award mula sa American Film Institute taong 2006.