COACH NI KAI SOTTO SA IGNITE TEAM NA SI BRIAN SHAW, NAGKOMENTO SA PLANONG PAGLALARO NITO SA FIBA ASIA CUP 2021 QUALIFIERS

Kai Sotto on mock NBA drafts ranking him as a second-rounder
Kai Sotto, Ignite lose to G League vets in scrimmage | Inquirer Sports

KUNG ang coach ni Kai Sotto na si Brian Shaw ng Team Ignite sa NBA G League  ang tatanungin, mas makabubuti umano sa matangkad na pinoy cager na manatili na lamang sa kanyang isinasagawang training sa G League sa kasalukuyan.

Ayon kay Shaw, wala naman umano siyang nakikitang magiging problema kay Kai sa plano nito na paglahok sa Gilas Pilipinas sa darating na Pebrero para sa 2021 FIBA Asia Cup qualifiers subalit para sa kanya ang G League ay magkakaloob sa kanya ng mas mataas na level at mahusay na kumpetisyon.

Inihayag kamakailan ni Sotto na maglalaro siya para sa koponan ng Pilipinas sa Pebrero at umaasa ang mga opisyales ng Gilas na mangyayari ito sa susunod na taon.

Sinabi ni Shaw na hindi umano siya nasabihan ni Sotto tungkol sa isyung ito at hindi siya na-inform sa desisyon ng basketbolistang pinoy kaya wala talaga siyang alam.

“That’s news to me. I haven’t heard that yet,” pahayag ni Shaw araw ng Huwebes ( Biyernes sa Pilipinas)  kasunod ng laro ng team nila kontra sa G League veterans 

 “A good thing if he wants to play and represent his country and try to help them qualify for the upcoming international events.As much basketball as Kai is going to play is going to benefit him,” pahayag ng 3-time NBA champion with the Los Angeles Lakers.

Sakali at makapaglaro umano si Sotto sa Gilas sa susunod na window nito na gaganapin sa Pilipinas, magkakaroon naman ng problema sa kanyang schedule dahil halos magkakasabay ang mga laro ng G League at Asia Cup qualifiers kaya’t kung si Shaw ang tatanungin ay mas mabuting manatili na lamang umano ang kanyang alaga sa Ignite Team.

“I still believe that the competition he will be playing here in the bubble will be better competition than what he will be playing there,” wika pa niya. “That’s the decision he will make and we will have to live with.”

Dahil dito, nagkakaroon ng agam-agam tungkol sa posibleng maging problema sa balak ni Sotto na makapaglaro sa February 2021 window ng FIBA Asia Cup 2021 qualifiers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *