PAGIGING ADIK SA ONLINE GAMES, MASAMA ANG EPEKTO LALO NA SA MGA KABATAAN

10 Best Online Multiplayer Games For PC 2019 | Blurbgeek

PAGBABABAD at pagpupuyat sa online games ang itinuturong dahilan kung bakit maraming mga bata at kabataan ngayon ang sobrang bugnutin at maiinitin ang mga ulo lalo na at may mga sagabal o abala sa kanilang paglalaro ng mobile games.


Ayon sa mga eksperto, lalong naging seryoso ang problemang ito ngayong panahon ng COVID-19 pandemic dahil sa online classes dahil nagkaroon ng mas malaking pagkakataon ang mga estudyante na ang karamihan ay mga high school at elementary students para makapaglaro ng one to sawa ng online games pagkatapos ng kanilang mga klase.


Ginagawa nilang dahilan ay ang pagkukunwari na gumagawa sila ng kanilang mga assignments at projects para makapaglaro na madalas ay inaabot na ng hatinggabi hanggang madaling araw.

Dahil dito ay maraming mga magulang ang nababahala sa nakikita nilang mga pagbabago sa kanilang mga anak partikular ang mga mag-aaral na may mga edad mula 7 hanggang 14 na parang walang gana at matatamlay kapag nakahinto sa paglalaro ng online games.


Nagbabala naman ang mga eksperto na ang pagbababad sa online games ay nakasisira din ng paningin at hindi umano kataka-taka na parang hindi napapagod o hindi inaantok ang mga naglalaro nito dahil ang mga gadgets ay naglalabas ng blue light na ang katumbas ay ang sikat o liwanag na nagmumula sa araw kung kaya’t ang pakiramdam ng mga gumagamit ng mobile phones, laptops at computer eh maaga pa para sila ay matulog. 

Ilan sa mga reklamo ng mga magulang ay ang pagiging tamad, walang pakialam sa paligid at parang lagi na lang maysakit ang mood ng kanilang mga anak kapag wala sa harap ng gadgets. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *