WHOLESOME IMAGE NI DINGDONG DANTES, SOLID

May be an image of 1 person, harp and text
No description available.
No description available.

PATULOY na namamayagpag ang movie career ni Dingdong Dantes, lalo na ngayong siya na ang Box-Office King ng showbiz. Walang maipipintas sa kanyang pagkatao dahil mula noong bagets pa lang siya hanggang ngayon ay napakabait niyang makisama, kaya anumang dumaang intriga para siya hilahin pababa ay nalalampasan niya. Kamakailan, isang blind item na hindi naman pinangalanan na si Dingdong ang tinitukoy, ay marami ang humula na si Dingdong daw iyon, na diumano’y mayroon pang ibang anak na dalagita na, anak sa isang dating nag-artista. Iba pa umano ito sa dating chismis tungkol sa diumano’y anak nila ni Antoinette Taus, na ilang ulit na ring kinlaro ni Taus na hindi totoo. Ang pangalawang dating nag-artista na hinihinalang naanakan diumano ni Dingdong ay maagap na ring nagbigay ng pahayag na hindi raw totoo ang chismis, at maling ituro si Dingdong. Ito ang maganda kay Dingdong, kaya hindi nasisira ang kanyang wholesome image, dahil laging nalilinis ang kanyang pangalan kapag mayroong intriga.

No description available.
No description available.

ANGEL LOCSIN, MAYAMAN NA KAHIT DI MAGBALIK-SHOWBIZ

HINAHANAP lang sa showbiz si Angel Locsin ngayon, dahil big star siya. Napakarami niyang mga tagahanga na hindi bumibitiw sa kanya mula nang bagets pa lang siya sa bakuran ng GMA-7 hanggang sa lumipat ng ABS-CBN ay ngayon ay may-asawa na at pansamantalang namahinga sa showbiz. Nariyan ang marami niyang tagahanga, dahil bilang sumikat na artista ay marunong siyang magpahalaga sa kanyang mga fans. Tapos na si Angel sa panahon ng kanyang movie career na dapat makipagkumpitensiya sa ibang artista para umangat ang kanyang popularity. Dahil sinuwerte siyang sumikat talaga. Kung siya’y matutuloy sa kanyang pagbabalik-showbiz, iyon ay dahil artista siya at nasasabik pa rin siyang umarte. Sa ngayon ay sobrang happy si Angel sa piling ng kanyang husband na si Niel Arce. Iniisip ng iba na dahil mayamang businessman si Mr. Arce, kaya hindi kailangan ni Angel magtrabaho. Pero ang totoo, wala pa man si Mr. Arce sa buhay ni Angel ay puwedeng hindi magtrabaho ang magandang aktres, dahil sa kanyang kasikatan noon ay nakapag-ipon at mayaman na talaga si Angel.

No description available.
No description available.

May balak pa naman umakting na muli…. JESSY MENDIOLA, HINIHIRITAN NA NI LUIS MANZANO NG SECOND BABY

HINDI pa man tuluyang nabibigyang-panahon ni Jessy Mendiola ang kanyang pagbabalik-showbiz ay baka maunsiyami pa iyon, dahil sa mga pahapyaw na biro ng kanyang husband na si Luis Manzano, na naka puwede na nilang sundan ang kanilang anak na si Baby Peanut para magkaroon ng kapatid at kalaro. Anumang oras na gustuhin ni Jessy na magbalik-showbiz ay pasado dahil may mga alok naman sa kanyang pelikula o teleserye. Talaga lang binigyang-prayoridad muna ng magandang aktres ang pag-aalaga at pagpapalaki sa panganay nilang anak ni Luis. Maraming kapwa artista ni Jessy ang naaaliw sa kanya. Dahil kahit may anak na ang magandang aktres ay napapanindigan nito ang sinabing kahit misis ka na at may anak ay hindi ka dapat magpaka-losyang sa hitsura. Kung kailan mayroon nang Baby Peanut ay mas lalo pang sumeksi si Jessy kumpara sa dati. Bukod sa talagang maganda siya. Kaya hindi masisisi si Luis kung mag-wish siyang baka puwede na silang magkaanak ulit.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *