5 MIYEMBRO NG PAMILYA SUGATAN SA SUNOG SA MAKATI CITY

5 MIYEMBRO NG PAMILYA SUGATAN SA SUNOG SA MAKATI CITY

MIYERKULES – Limang  miyembro ng isang pamilya ang isinugod sa isang pagamutan matapos matupok ng apoy ang kanilang tinutuluyang  unit sa isang gusali na matatagpuan sa Barangay Tejeros, Makati City.


Ang sunog ay sumiklab sa ground floor ng Building 2 ng Bliss housing sa H. Santos Street bago mag-ala-1:30 ng madaling-araw ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection – National Capital Region (BFP-NCR),

Ayon sa  kapitbahay na si Judy Penera, bago narinig sila na pumutok sa sala ng unit ng pamilya Parrenas bago Nakita ang apoy at napalikas sila.

Dahil naharang na ang pinto ng apoy hindi na  agad nakalabas ang nakatirang pamilya  dagdag pa niya.

Itinaas ang unang alarma at napigilan ang pagkalat ng apoy sa ibang unit pagdating ng mga bombero.

Ang sunog  ay naapula makalipas ang isang oras. 

Dito pa lamang   isa-isang nailabas  ang mag-asawang sina Edelberg, 32, at Charlene, 35, at ang 3 nilang anak na edad 8 (walo), 5 (lima), at 2 (dalawa). 

Walang malay ang karamihan sa kanila at nahirapang huminga ang isa ayon pa kay Penera.


Ang nabanggit na mag-anak ay dinala sa  Sta. Ana Hospital sa Maynila
Isa sa hihinalang dahilan ng sunog ay ang  nakitang nakasaksak na baterya ng e-bike sa sala.

Kasalukuyang imbestigasyon ng Makati City fire station ang nasabing pangyayari. 


Maayos na ang lagay ng mga magulang at 2 anak na babae pero inoobserbahan pa ang bunsong lalaki ayon ito sa kamag-anak ng mga biktima. – Royrobertson Dimasaca

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *