DATING PANGULONG ESTRADA, DINALA SA PAGAMUTAN MATAPOS MAGPOSITIBO SA COVID-19

ISINUGOD sa pagamutan si dating pangulong Joseph ” Erap ” Estrada matapos siyang manghina at magpositibo sa COVID-19.

Ayon sa kanyang anak na si dating senador Jinggoy Estrada, dinala nila sa isang pagamutan nitong araw ng Linggo ang kanyang ama dahil sa panghihina nito.

Stable naman umano ang kalagayan ng 83-anyos na dating pangulo sa kasalukuyan at dasal ang kanilang hinihingi para sa mabilis na paggaling ng kanyang ama.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *