ONE WEEK EXTENSION NG ECQ, HIRIT NG DOH

INIREKOMENDA ng Department of Health (DOH) ang pagkakaroon ng karagdagang isa pang linggong pagpapalawig sa implementasyon ng enhanced community quarantine (ECQ) na kasalukuyang ipinaiiral ngayon sa Metro Manila at 4 na karatig na mga lalawigan upang mas mapabagal pa ang pagsirit ng bilang ng mga yinatamaan at nahahawa sa COVID-19.

Sa isang panayam kay DOH Undersecretary Maria Risario Vergeire, sinabi niya na lubhang maikli ang isang linggong ECQ sa NCR, Cavite, Laguna, Bulacan at Rizal upang makita ang magiging epekto nito.

“One week really is short. We have recommended an extension. But of course, we need to balance it off with the economy that’s why we need to have enough basis for us to have this extension, ” wika ni Vergeire.

Nitong Lunes ay nakapagtala ng 10,016 na bagong mga nagkaroon ng COVID-19 na pinakamataas mula nang kumalat ang pandemya sa bansa.

Ang dalawang linggong pagpapatupad ng mahigpit na lockdown ayon kay Vergeire ay mas makakatulong upang mapigilan ang pagkalat at hawahan ng COVID-19.

Subali’t malalaman umano kung ano ang kalalabasan ng resulta sa pagtatapos ng ECQ sa Abril 4 sa kung ano ang magiging plano rito ng pamahalaan.

“We will be assessing before the end of this week so we will know if we still need to extend or there would just be stricter restrictions but the ECQ will be lifted,” wika pa ni Vergeire.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *