WARRIORS, UTAS KAY LEBRON!

NBA: Lakers secure 7th seed with slim win over Warriors | ABS-CBN News
LeBron, Ingram Lead Lakers' Vegas Win Over Warriors | Los Angeles Lakers

SINAGIP ng isang pilipit at long three point shot ni LeBron James ang Los Angeles Lakers at nalusutan ang mahigpit na nakipagbakbakang Golden State Warriors, 103-100 upang kunin ang ikapitong puwesto sa NBA Western Conference at iwan ang Warriors at Memphis Grizzlies para sa pagtutuos sa huling slot sa playoffs.

Ang Warriors na hindi huminto sa kanilang tila makinang opensa ay nanatiling nakadikit at lumalamang pa sa Lakers hanggang sa mga natitirang huling minuto sa final quarter.

Subalit ang pagsasanib puwersa nina Alex Caruso, Anthony Davis at LeBron sa huling krusyal na minuto ang tumapos sa Warriors na ngayon ay nahaharap sa mas matarik na misyon laban sa Grizzlies na nagwagi naman kanina sa play-in kontra San Antonio.

Kinakailangan na mapagwagian ng Warriors ang kanilang laro laban sa Grizzlies kung ayaw nilang mapatalsik sa susunod na round ng liga.  Si LeBron ay may naiukit na 22 points, 11 rebounds at 10 assists (triple-double) habang si Anthony Davis ay may 25 points at 12 rebounds.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *